Chabacáno

 

Chabacáno

          Chabacáno ang pangkalahatang tawag sa wikang creole na nagmula sa pinaghalong Español at isa o higit pang mga wika sa Pilipinas. Tinatawag din itong Philippine Spanish Creole (PSC) at sinasalita sa Lungsod Cotabato, Lungsod Zamboanga, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lungsod Cotabato, Lungsod Davao, at Cavite. 

          Ang mga nagsasalita ng Chabacáno ay tinatawag ayon sa lugar na kanilang pinagmulan: Zamboangueño-Chabacáno para sa mga mula sa Zamboanga; Davaoeño- Chabacáno para sa mga nása Davao; Cotabateño-Chabacáno sa mga mula sa Cotabato; at Caviteño-Chabacáno para sa mga mula sa Cavite.

          Isang varayti ng wikang ito ang Bahra na isang subdiyalekto ng varayting Caviteño-Chabacáno na sinasalita sa Ternate at Lungsod Cavite, partikular sa mga barangay ng Uno-Poblacion, Barangay Dos, Barangay Tres, at Barangay San Jose.

Pangalan ng Wika Chabacáno
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Chabacáno
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Zamboangueño, Cotabateño; Castellano, Caviteño, Ternateño
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Creole
Mga Kilalang Wikain (dialects)

Zamboangueño (Chabacano de Zamboanga); Cotabateño (Cotabato Chabacano); 

Davaweño  (Abakay Spanish, Davao Chabacano); 

Caviteño (Cavite Chabacano); 

Ternateño (Bahra, Ternate Chabacano)

Populasyon

487,627  (NSO 2010 Household Population by Ethnicity) 

42, 7354 – Zamboangeño Chabacano;  17,365 – Cotabato Chabacano; 22,821 – Davao Chabacano; 20,087 –  Caviteño/Ternateño Chabacano  

Lokasyon Lungsod Zamboanga,  Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Lungsod Cotabato, Lungsod Davao, Cavite
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses