Îguwák
Îguwák
Îguwák ang tawag sa wika ng mga katutubong Îguwák na naninirahan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, partikular sa Barangay Buyasyas sa bayan ng Santa Fe at sa Barangay Buyasyas sa bayan ng Kayapa. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan.
Ayon sa ilang pag-aaral, malapít ang wikang Îguwák sa wikang Karáw at Ibalóy. Matatagpuan naman ang mga Îguwák kasáma ang mga dominanteng etnolingguwistikong grupo kayâ ang kanilang mga kinagawian ay may pagkakatulad sa iba’t ibang kulturang nakapalibot sa kanila.
Natututuhan ng mga Îguwák ang Filipíno at Inglés sa eskuwelahan na parehong mga wikang panturo.
Pangalan ng Wika | Îguwák |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | |
Pangkat na gumagamit ng wika | Îguwák |
Sigla ng Wika | Tiyak na Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso-Cordilleran, South-Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran, Ibaloy |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon |
2,408 (LEF 2018 – NV at Itogon Benguet) 10,559 (NSO 2010 CAR, Rehiyon I, Rehiyon II, Rehiyon III) |
Lokasyon |
Buyasyas, Kayapa at Buyasyas, Santa Fe sa Nueva Vizcaya; ilang bahagi ng Sitio Chomolpos/Domolpos) Tinongdan, Itogon, Benguet, ilang bahagi ng San Nicolas Pangasinan |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang talâ |
Responses