Inabaknón
Inabaknón
Ang Inabaknón ay ang wika ng mga Kapulényo sa isla ng Capul sa Samar. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Abaknón, Sáma, at Minuslím.
Masigla at mabisang ginagamit ang wikang Inabaknón sa iba’t ibang larang tulad sa relihiyon at kalakalan. Ang 14,000 na Abaknôn ay multilingguwal at marunong din ng wikang Filipíno, Inglés, Waráy, Bíkol, at Sebwáno.
Pangalan ng Wika | Inabaknón |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Abaknon, Abaknon Sama, Capuleño |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kapulenyo, Capuleño, o Abaknón |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Samalan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 14,000 (KWF 2014 R-VIII) |
Lokasyon | Capul, Hilagang Samar |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses