Inata

 

Inata

          Wikang Inatá ang katutubong wika ng mga Atá. Sinasalita ito sa apat na komunidad ng mga Atá sa lalawigan ng Negros Occidental partikular sa bayan ng Cadiz, Sagay, Calatrava, at Salvador Benedicto. 

          Batay sa pagtatáya ng mga namumuno sa komunidad ng Sityo Manara, halos 10% o 30 miyembro na lámang ang nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika sa kanilang komunidad at karamihan dito ay mga nakatatandang miyembro na lámang ng komunidad. Sa kasalukuyan, Hiligaynon na ang wikang ginagamit ng kanilang komunidad sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Sa tahanan, Hiligaynon din ang wikang ginagamit ng mga pamilya sa kanilang komunidad. Kayâ naman, ito na rin ang unang wikang natutuhan ng kanilang mga anak.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2015

Pangalan ng Wika Inatá
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Atá
Sigla ng Wika Matinding Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 110 pamilya (Sa Sitio Manara batay sa KWF balidasyon noong 2019) Walang datos sa populasyon ng ibang komunidad.
Lokasyon

Sitio Manara, Cadiz, Negros Occindental;  

Sitio Hidro, Sagay, Negros Occidental;

Sitio Las Piñas, Calatrava, Negros Occ; Brgy. Bagong Silang, Salvador Benedicto (KWF 2015)

Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ Nakatatandang henerasyon na lamang ang gumagamit ng wika

Responses