Kinamayú

Kinamayú

          Kinamayú ang tawag sa wika ng mga Kamayú na naninirahan sa lalawigan ng Surigao del Sur, partikular sa mga bayan ng Barobo, Bislig, Hinatuan, Lianga, Lingig, Marihatag, at Tagbina. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, at sa bayan ng Boston, Davao Oriental. 

          Tanging Kinamayú lámang ang wikang ginagamit ng grupo sa loob ng kanilang komunidad. Bagaman ginagamit ang Filipíno at Inglés sa paaralan, sinasalita lámang ang mga wikang ito kapag itinuturo ang mga asignaturang Filipíno at Inglés dahil Kinamayú pa rin ang midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturò.

          Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din ang mga Kamayú ng Surigawnón at Sebwáno na kanila namang natutuhan sa labas ng komunidad.

Pangalan ng Wika Kinamayú
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Kamayú
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kamayú
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan
Mga Kilalang Wikain (dialects) Dekey, Ki-hang, Kib-al, Keley-i, Ni-ni
Populasyon 7,565 tagapagsalita (Morphophonemic Variation among Kinamayo Dialects: A Case Study, Cajetas-Saranza, Rennie, PNU Mindanao, 2014)
Lokasyon Barobo, Bislig, Hinatuan, Lianga, Lingig, Marihatag, San Agustin, at Tagbina sa Surigao del Sur; ilang bahagi ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Davao Oriental
Sistema ng Pagsulat Romanong Titik
Iba pang Talâ

Responses