Wikang Kinarol-an ang tawag sa katutubong wika ng mga Karolano. Matatagpuan ang pangkat na sinasabing nagsasalita nito sa Brgy. Carol-an, Kabankalan, Negros Occidental.
Nasa kalagayang Malubhang Nanganganib o Critically Endangered ang wikang ito sa kabila ng malaki nilang populasyon sapagkat iilang miyembro na lamang ang nagsasalita nito sa komunidad. Sinasalita o ginagamit lang din ito sa mga seremonya o ritwal sa komunidad ngunit hindi sa pang-araw-araw na gawain at komunikasyon.
Hiligaynon at Sebwano ang wikang ginagamit sa loob ng paaralan at tahanan. Ito rin ang unang wikang natututuhan ng mga batang Karolano. Maging ang nakararaming matatanda sa kanilang komunidad ay hindi na rin marunong magsalita ng Kinaról-an. Marami sa mga katutubong Karolano ang hindi alintana ang nanganganib na kalagayan ng kanilang wika at hindi mababakas sa kanilang mga mukha ang pag-aalala na maaari nang mawala ang kanilang wika.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2017
1. Pangalan ng Wika
Kinaról-an
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Kinaraán
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Karoláno
4. Sigla ng Wika
Malubhang Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Central Philippine
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon
7,856 indibidwal (Brgy. Profile noong 2017)
8. Lokasyon
Brgy. Carol-an, Lungsod Kabankalan, Negros Occidental