Kuyunón
Kuyunón
Kuyunón ang tawag sa wika ng mga Kuyunón na naninirahan sa mga isla ng Cuyo sa Palawan, partikular sa mga bayan ng Agutaya, Araceli, Brooke’s Point, Busuanga, Culion, Cuyo, Dumaran, Linapacan, Magsaysay, Puerto Princesa, Roxas, at San Vicente. Tinatawag rin siláng Kuyunín ng ibang grupo sa Palawan tulad ng mga Tagálog at Bisayà.
Unang natututuhan ng mga batàng Kuyunón ang kanilang katutubong wika. Dahil napaliligiran ng ibang grupo tulad ng mga Sebwáno, Ilónggo, Masbatényo, Agutaynë́n, at Tagálog, hindi maiwasang matutuhan nilá ang wika ng alinman sa mga grupong ito. Kayâ, karaniwan na lámang sa kanila ang maging multingguwal. Sa paaralan naman ay natututo at nasasanay silá sa paggamit ng wikang Filipíno at Inglés.
Pangalan ng Wika | Kuyunón |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Cuyunon |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kuyunón |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West, Kuyan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 249,513 (NSO 2010 R-IVB) |
Lokasyon | Agutaya, Cuyo, Dumaran, Linacapan, Magsaysay, Lungsod Puerto Princesa, at El Nido sa Palawan |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses