Mga Nanganganib at Naglahong Wika ng Pilipinas

Listahan ng mga Nanganganib

at Naglahong Wika ng Pilipinas

 

Listahan ng mga Nanganganib at Naglahong Wika ng Pilipinas

Sa tinatáyang 135 wika ng Pilipinas, 36 sa mga ito ang nanghihina at/o nanganganib na maglaho sa hinaharap, samantálang apat na wika ang naglaho na o wala nang tagapagsalita. Ang nanganganib na wika ay wikang tinatáyang maglaho sa hinaharap bunsod ng mga salik panlipunan, pangkultura, at pampolitikang nakaaapekto sa preserbasyon, paggamit, at, pagpapaunlad nitó . 

Hinalaw sa 2003 UNESCO Language Vitality and Endangerment (LVE) ang instrumento sa pagtukoy sa mga nanganganib na wika sa bansa. Ginamit ang UNESCO LVE dahil sa higit na simpleng paraan nito ng paggagrado sa mga wika, pag-uuri sa mga priyoridad na salik sa pagtukoy sa nanganganib wika, malaganap na paggamit ng instrumentong ito, at madalîng pamamaraan at pagpapatupad nitó para sa mga katuwang na stakeholder ng Komisyon. 

Dahil sa limitadong resorses ng Komisyon, inadap ang tatlong priyoridad na salik ng UNESCO LVE kaugnay ng pagtukoy ng mga nanganganib na wika batay sa populasyon o bílang ng tagapagsalita ng wika: (a) Salik 1, Intergenerational Language Transmission; (b) Salik 2, Absolute Number of Speakers; at (c) Salik 3, Proportion of Speakers within the Total Population.

Mga Wikang Kumakaunti batay sa Bilang ng mga Katutubo
Bangon Mangyan
Ratagnon Mangyan
Bolinaw
Tadyawan Mangyan
Irungdungan
Tagabulos
Karaw
Tenap
Kalamyanen
 
Mga Wikang Tiyak na Nanganganib
Abellen
Kinarol-an
Agta Dumaga Casiguran
Manide
Agta Dumagat Umiray
Manobo Aromanen
Ayta Kadi
Manobo Ilyanen
Gaddang
Manobo Tigwahanon
Gubatnon Mangyan
Menuvu
Iguwak
Tawbuwid Mangyan
Isinay
 
Mga Wikang Matinding Nanganganib
Alta
Ayta Mag-indi
Agta Iraya
Binatak
Ayta Ambala
Inata
Ayta Magbukun
Kabulowan
Ayta Mag-antsi
Manobo Kalamansig
 
Mga Wikang Malubhang Nanganganib
Arta
 
Mga Wikang Wala nang Nagsasalita
Ayta Tayabas
Agta Villa Viciosa
Agta Isarog
Katabagan
Agta Sorsogon