Kinaráy-a

Kinaráy-a ang tawag sa wika ng mga Karáy-a na naninira­han sa iba’t ibang bahagi ng mga lalawigan ng Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Antiqueño, Hinaráya, at Karáy-a.

Bukod sa Kinaráy-a, sinasalita rin ang wikang Hiligaynón sa mga nabanggit na lugar. Gayumman, higit na marami ang nagsasalita nitó kaysa Hiligaynón sa lalawigan ng An­tique, sa buong Capiz, sa gitnang Iloilo, at sa mga bayan sa kanlurang baybáyin ng Iloilo. May ilan ding grupo na nagsa­salita nitó sa lalawigan ng Palawan.

Nakauunawa rin ang halos lahat ng mga Karáy-a ng wi­kang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaaralan.

1. Pangalan ng Wika Kinaráy-a
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names) Antiqueño, Hinaráya, Karáy-a
3. Pangkat na gumagamit ng wika Karáy-a
4. Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon 482,123 (NSO 2010 R-IVB, R-VI)
8. Lokasyon Antique; Lungsod Passi, Alimodan, San Joaquin, Lambunao, Calinog, Leon, Miag-ao, Pavia, Badiangan, San Miguel, Guimbal, San Enrique, Tigbauan, San Enrique, Tigbauan, Igbaras, Leganes, Pototan, Bingawan, San Rafael, Mina, Zarraga, Oton, Santa Barbara, Cabatuan, Janiuay, Maasin, New Lucena, Dueñas, Dingle, at Tubungan sa Iloilo; Tapaz, Jamindan, Dumalag, at Dumarao sa Capiz; ilang bahagi ng Aklan at Palawan
9. Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
10. Iba pang talâ

Mga Pag-aaral ng KWF

KWF Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas 2021

Para sa mga komento at suhestiyon, maaaring mag-email sa kwf.repositoryo@gmail.com

KINAKAILANGANG MAGPA-REGISTER

Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt. 

May restriksiyon