Kolibúgan ang wikang sinasalita ng mga katutubong Kalibúgan na naninirahan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Dipolog, Liloy, Sibuko, Sindangan, Siocon, Sirawai, at Titay. May mangilan-ngilan ring nagsasalita nitó sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Davao, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.
Sa Sirawai matatagpuan ang sentrong komunidad na mahigit 80% ng kabuoang populasyon ay binubuo ng mga Kalibúgan hábang ang natitiráng 20% ay mga Sebwáno, Ilónggo, Siyámal, at Joloháno.
Bukod sa Kolibúgan, marunong ring magsalita ang mga Kalibúgan ng ibang wika tulad ng Sinubanën, Sebwáno at Hiligaynón. Marunong rin silá ng Filipíno at kaunting Ingles na natutuhan nilá bílang mga wikang panturo sa paaralan
1. Pangalan ng Wika
Kolibúgan
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Wala
3. Pangkat na gumagamit ng wika
Kalibúgan
4. Sigla ng Wika
Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon
Greater Central Philippine, Subanon, Western
6. Mga kilalang wikain (dialects)
Wala
7. Populasyon
37,634 (NSO 2010 R-IX)
8. Lokasyon
Siocon, Sirawai, Sibuko, Titay, Liloy, Sindangan, at Dipolog sa Zamboanga del Norte