Pangasinán

Ang wikang Pangasinán ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas.  Ito ang wikang sinasalita sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa mga bayan ng Basista, Bayambang, Binmaley, Calasiao, Dagupan, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, Pozorrubio, San Carlos, San Fabian, San Jacinto, Santa Barbara, at Urbiztondo.  May mga nagsasalita rin nito sa mga bayan ng Anao, Camiling, Gerona, Lungsod Tarlac, Mayantoc, Moncada, Panique, Pura, Ramos, San Clemente, San Manuel, Santa Ignacia, at Victoria sa lalawigan ng Tarlac, at sa ilang lugar sa La Union. Parehong ginagamit ang  Pangasinan at Pangasinense bilang pantukoy sa pangalan ng pangkat na gumagamit ng wikang Pangasinan.

Halos kalahati ng populasyon ng Pangasinan ay binubuo ng mga Pangasinénse, habang ang natitira ay grupo ng mga dayong Ilokáno na naninirahan na sa silangan at  kanlurang bahagi ng lalawigan.

1. Pangalan ng Wika Pangasinán
2. Iba pang tawag sa wika (alternate names) Wala
3. Pangkat na gumagamit ng wika Pangasinán, Pangasinense
4. Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran
6. Mga kilalang wikain (dialects)
7. Populasyon 1,481,357 (NSO 2010 R-I, R-II, R-III, CAR)
8. Lokasyon Pangasinan, Tarlac, La Union
9. Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
10. Iba pang talâ

Mga Pag-aaral ng KWF

KWF Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas 2021

Para sa mga komento at suhestiyon, maaaring mag-email sa kwf.repositoryo@gmail.com

KINAKAILANGANG MAGPA-REGISTER

Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt. 

May restriksiyon