KWF Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas
Termino at Kondisyon
Ang Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng Pilipinas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay imbakan o repositoryo ng mga impormasyon, saliksik, dokumentasyon, at iba pang mga kaugnay na pag-aaral sa wika at kultura ng mga pangkating etniko sa bansa. Ang mga impormasyong matatagpuan dito ay bunga ng mga saliksik ng KWF sa pakikipagtulungan sa mga iskolar ng wika, akademiko, ahensiya ng pamahalaan, at institusyon. Layunin nitong madaling maipaabot sa publiko ang mga datos at pag-aaral hinggil sa mga katutubong wika ng bansa.
Ilan sa mga tampok na impormasyon na makikita sa Repositoryo ay ang onlayn na bersiyon ng Atlas ng mga Wika ng Filipinas na inilimbag ng KWF noong 2016. Naglalaman ito ng mga datos tungkol sa 130 wika ng bansa at mapa ng mga wika. Makikita rin dito ang mga awtput ng dokumentasyon sa wika at kultura ng ilang pangkating etniko sa bansa na sinimulan ng KWF noong 2015 at ipinagpatuloy noong 2018 sa pamamagitan ng Lingguwistikong Etnograpiya ng mga Wika ng Pilipinas. Mababasa rito ang mga manuskrito na naglalaman ng mga komprehensibong impormasyon tungkol sa wikang sinaliksik, mga video at audio ng panayam, at mga larawan. Ang ibang datos ay may restriksiyon at hindi maaaring ma-access onlayn bilang proteksiyon sa mga impormante at komunidad. Maaari lamang itong ma-access sa tanggapan ng KWF. Makikita rin dito ang sipi ng mga nabuong ortograpiya ng KWF, katuwang ang komunidad at iba pang institusyon.
Tinutukoy na “User” ang sinumang gagamit ng website na ito at “KWF” ang nagmamay-ari (kasama ang mga impormante, indibidwal, at komunidad na tampok) ng lahat ng datos na matatagpuan dito.
Narito ang mga Tuntunin at Kondisyon ng KWF sa User ng website na ito: .
Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay kinikilala ang kaniyang mga tungkulin sa ilalim ng Batas Republika Blg. 10173, o mas kilalang Data Privacy Act of 2012, hinggil sa pangongolekta, paggamit, pagpoproseso, pag-iimbak, at/o pagbubura ng personal na datos ng indibidwal. Bílang pagtalima sa Batas Republika Blg. 10173, ipinahahayag ang sumusunod na termino sa pagproseso ng personal na datos.
Kokolektahin ang inyong personal na datos tulad ng—subalit hindi limitado sa—pangalan, kasarian, edad, petsa ng kapanganakan, trabaho, institusyong kinabibilangan, adres ng institusyong kinabibilangan, at numero ng telepono.
Ang KWF, sa pamamagitan ng matutukoy na kawani, ang tanging mayroong karapatan na iproseso at iakses ang pisikal o birtuwal na kopya ng inyong personal na datos. Walang ikatlong panig ang pagkakalooban ng akses o bahagi ng personal na datos.
Ipatutupad ng KWF ang makatuwiran at angkop na pamantayan upang matiyak ang seguridad ng inyong personal na datos—pisikal o teknikal/birtuwal. Gayundin, ang mga karapatan at polisiya na itinatakda ng Batas Republika Blg. 10173.
Maaari kayong tumutol na iproseso; hilinging maakses; at/o iwasto, isapanahon, ipabura, o i-block ang inyong personal na datos.
Sa aking pagklik sa “ISUMITE”, pinatutunayan kong wasto ang ibinigay na mga impormasyon; pinahihintulutan ko ang Komisyon sa Wikang Filipino na suriin at iproseso ang aking mga impormasyon; at sumasang-ayon ako sa mga Termino at Kondisyon sa paggamit ng website.
Prompt matapos i-click ang ISUMITE
Pagbati! Natanggap namin ang iyong rehistrasyon. Hintayin ang email pagkaraang maaprubahan ang iyong akawnt. Kung hindi makíta ang email, subuking tingnan sa spam folder.
Upang maakses ang tampok na ito ng website, kinakailangang magrehistro upang magkaroon ng akawnt.