Home

Ang Repositoryo ng mga Wika ng Pilipinas ay isang onlayn na imbakan ng mga impormasyon, sanggunian, dokumentasyon, at iba pang kaugnay na mga pag-aaral sa wika ng mga katutubong pamayanang kultural sa bansa. Isa itong proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na naglalayong madalîng maipaabot sa publiko ang mga datos at pag-aaral hinggil sa mga katutubong wika ng Pilipinas. Ang mga impormasyong matatagpuan dito ay búnga ng mga saliksik ng KWF sa pakikipagtulungan sa mga iskolar ng wika, akademya, institusyon, ahensiya ng pamahalaan, at mga pinunò at kasapì ng mga katutubong pamayanang kultural. 

Isa sa mga tampok na impormasyon na makikíta sa Repositoryo ay ang onlayn na bersiyon ng Atlas ng mga Wika ng Filipinas na inilimbag ng KWF noong 2016. Naglalaman ito ng mga datos hinggil sa tinatáyang 130 wika ng bansa at mapa ng mga wika. Makikíta rin dito ang resulta ng mga pananaliksik sa wika at kultura ng ilang katutubong pamayanang kultural na sinimulan ng KWF noong 2015 at ipinagpatúloy noong 2018 sa pamamagitan ng Lingguwistikong Etnograpiya ng Pilipinas. Naglalaman ito ng mga impormasyon hinggil sa sitwasyong pangwika at materyal at di-materyal na kultura ng komunidad. Matatagpuan din dito ang kopya ng mga binuong ortograpiya ng KWF, katuwang ang komunidad at iba pang institusyon.

Isang patuluyang proyekto ang Repositoryo kayâ ang ilang mga wika ay hindi pa naidodokumento, may mga impormasyong maaaring magkaroon ng rebisyon, at patuloy itong idedevelop sa pagdaan ng panahon.

MGA WIKA NG PILIPINAS

Mayroong tinatáyang 130 wikang sinasalita, at isang wikang senyas ang ginagamit ng iba-ibang etnolingguwistikong pangkat. Kabílang ang karamihang wika sa Pilipinas sa malaking pamilya ng wikang tinatawag na Austronesian. Ang pamilyang Austronesian ay kinabibílangan ng higit sa isang libong wikang sinasalita sa Taiwan, sa Island Southeast Asia, sa mga isla ng Pasipiko hanggang sa Easter Island sa…

MAPA NG MGA WIKA

Sinimulan ang proyektong ito noong 2014 sa pamamagitan ng pagsusuri ng datos mula sa mga naunang pag-aaral na sinundan ng serye ng pagbabalida ng datos sa iba-ibang panig ng bansa. Noong 2016, inilabas ang resulta ng pag-…

MGA ORTOGRAPIYA

Marami sa mga wika ng Pilipinas ang nanganganib nang mawala. Nása iba-ibang antas ng panganib ang mga wikang ito. Isa sa pangunahing dahilan nitó ang kaunting espasyo ng paggamit ng kanilang wika sa lipunan na nagiging batayan ng ilang miyembro ng komunidad para iwanan na ito. Dahil dito, kailangang bigyan ng puwang o gámit ang lahat ng wika ng…

MGA SALIKSIK

Marami nang pag-aaral na ginawa tungkol sa mga wika sa bansa sa nakalipas na panahon. Ilan sa mga pag-aaral na ito ay ang Linguistic Atlas of the Philippines ni Curtis McFarland (1975), Handbook of Philippine Languages ni Teodoro Llamzon (1978), ang CCP Encyclopedia of Philippine Art: Peoples of the Philippines Vol. (1994), ang…

MGA PROGRAMA

Ilan sa mga pinagtitiwalaang awtoridad sa buong mundo hinggil sa wika gaya nina David Crystal (200), Robert Dixon (1997) at Michael Krauss (1992) ang nagpahayag ng makatwirang palagay na mula sa tinatáyang 6,000 wikang sinasalita sa buong mundo sa kasalukuyan, aabot sa 90% nitó ang maglalaho sa…

MAG-IWAN NG MENSAHE

MAPA NG MGA WIKA

Sinimulan ang proyektong ito noong 2014 sa pamamagitan ng pagsusuri ng datos mula sa mga naunang pag-aaral na sinundan ng serye ng pagbabalida ng datos sa iba-ibang panig ng bansa. Noong 2016, inilabas ang resulta…

MGA ORTOGRAPIYA

Marami sa mga wika ng Pilipinas ang nanganganib nang mawala. Nása iba-ibang antas ng panganib ang mga wikang ito. Isa sa pangunahing dahilan nitó ang kaunting espasyo ng paggamit ng kanilang wika sa lipunan na nagiging batayan ng ilang miyembro ng komunidad para iwanan na ito. Dahil dito, kailangang bigyan ng puwang o gámit ang lahat ng wika ng Pilipinas…

MGA SALIKSIK

Marami nang pag-aaral na ginawa tungkol sa mga wika sa bansa sa nakalipas na panahon. Ilan sa mga pag-aaral na ito ay ang Linguistic Atlas of the Philippines ni Curtis McFarland (1975), Handbook of Philippine Languages ni Teodoro Llamzon (1978), ang CCP Encyclopedia of Philippine Art: Peoples of the Philippines Vol. (1994), ang…