Gumawa ng akawnt or Sign in Gumawa ng Akawnt Email Password Kompirmahin ang Password Pangalan Apelyido Institusyon/Paaralan Kontak ng Cellphone Kaarawan Day ----12345678910111213141516171819202122232425262728293031 Month ----JanuaryFebruaryMarchAprilMayJuneJulyAugustSeptemberOctoberNovemberDecember Year ----20342033203220312030202920282027202620252024202320222021202020192018201720162015201420132012201120102009200820072006200520042003200220012000199919981997199619951994199319921991199019891988198719861985198419831982198119801979197819771976197519741973197219711970196919681967196619651964 Kasarian ----LalakiBabae Larawan ng Valid ID Iupload sa iyong google drive at ilagay ang link Nabása, nauunawaan at sumasang-ayon ako sa Mga Tuntunin at Kondisyon at Pabatid sa Pagiging Pribado. Mga Tuntunin at Kondisyon Naglalaman ang Repositoryo ng mga Wika at Kultura ng mga impormasyon, saliksik, ortograpiya, at iba pang sanggunian hinggil sa wika at kultura ng mga katutubong pamayanang kultural ng Pilipinas. Sa pag-akses, paggamit, at/o pag-download sa alinmang materyal, sumasang-ayon ang user sa mga tuntunin at kondisyong ipatutupad ng Komisyon sa Wikang Filipino. Pinatutunayan kong wasto ang ibinigay na mga impormasyon at ako ang nagmamay-ari ng pagkakakilanlan. Sa pagkakataong mapatunayang ginamit at/o ninakaw ko ang pagkakakilanlan ng ibang tao, nauunawaan ko na maaari akong mapatawan ng parusa alinsunod sa itinatakda ng Batas Republika Blg. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, at iba pang kaugnay o umiiral na batas ng Pilipinas. Sa paglikha ng akawnt, pinahihintulutan ko ang KWF na kolektahin, iimbak, at/o iproseso ang aking impormasyon para sa layuning masubaybayan ang pag-akses ko sa mga materyal na matatagpuan sa Repositoryo. Kinikilala ko na ang lahat ng materyal na matatagpuan sa Repositoryo ay pag-aari ng KWF. Bunga ito ng pakikipagtulungan sa mga iskolar ng wika, paaralan, samahan, ahensiya ng pamahalaan, at mga pinuno at kasapi ng mga katutubong pamayanang kultural. Ipinahahayag ko na ang paggamit o pag-akses sa alinmang impormasyon at/o sanggunian ay para lámang sa layuning akademiko at pananaliksik. Sa pagkakataong mapatunayang ginamit ko ito sa layuning komersiyal, nauunawaan ko na maaari akong mapatawan ng parusa alinsunod sa itinatakda ng Batas Republika Blg. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, Batas Republika Blg. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, at iba pang kaugnay o umiiral na batas ng Pilipinas. Nauunawaan ko na ang paggamit sa alinmang materyal, bahagi o kabuoan, nang walang kaukulang pagsipi ay maituturing na plahiyo. Sa pagkakataong mapatunayang ako ay nagplahiyo, nauunawaan ko na maaari akong mapatawan ng parusa alinsunod sa itinatakda ng Batas Republika Blg. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012, Batas Republika Blg. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, at iba pang kaugnay o umiiral na batas ng Pilipinas. Nauunawaan ko rin na maaaring suspendihin o kanselahin ng KWF ang aking akawnt kapag napatunayang nameke at nagnakaw ako ng pagkakakilanlan; gayundin, kapag ginamit ko sa layuning komersiyal ang bahagi o kabuoan ng impormasyon. × Pabatid sa Pagiging Pribado Kinikilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kaniyang mga tungkulin sa ilalim ng Batas Republika Blg. 10173, o mas kilalá bílang Data Privacy Act of 2012, hinggil sa pangongolekta, paggamit, pagpoproseso, pag-iimbak, at/o pagbubura ng personal na datos ng indibidwal. Bílang pagtalima sa Batas Republika Blg. 10173, kaugnay ng pag-akses sa Repositoryo at paggamit ng mga materyal, inilalahad ang sumusunod na termino sa pagproseso ng personal na datos. Kokolektahin ang inyong personal na datos tulad ng, subalit hindi limitado sa, pangalan, edad, kasarian, kaarawan, kontak, institusyong kinabibilangan, at larawan ng valid ID. Maaari kayong tumutol na iproseso; hilinging maakses; at/o iwasto, isapanahon, ipabura, o i-block ang inyong personal na datos. Sa pamamagitan ng matutukoy na kawani, ang KWF ang tanging mayroong karapatan na iproseso at iakses ang pisikal o birtuwal na kopya ng inyong personal na datos. Walang ikatlong panig ang pagkakalooban ng akses o bahagi ng personal na datos. Ipatutupad ng KWF ang makatuwiran at angkop na pamantayan upang matiyak ang seguridad ng pisikal at birtuwal na kopya ng inyong personal na datos; gayundin, ang mga karapatan at polisiya na itinatakda ng Batas Republika Blg. 10173, at iba pang kaugnay o umiiral na batas. ×