Listahan ng mga Nanganganib na Wika ng Pilipinas

Listahan ng mga Nanganganib

na Wika ng Pilipinas

 

Ano ang nanganganib na wika?
Batay sa KWF Kapasiyahan ng Kalupunan ng mga Komisyoner Blg. 18-33 s. 2018 (Pinagtitibay ang Kapasiyahan para sa Depinisyon ng “Nanganganib na Wika” at ang Patakaran sa Panimulang Pagtukoy sa mga Nanganganib na Wika ng Pilipinas), ang nanganganib na wika ay wikang tinatáyang maglaho sa hinaharap bunsod ng mga salik panlipunan, pangkultura, at pampolitikang nakaaapekto sa preserbasyon, paggamit, at pagpapaunlad nitó.

Ilan ang nanganganib na wika ng Pilipinas?
Sa tinatáyang 135 katutubong wika ng Pilipinas, 40 sa mga ito ang nanganganib na maglaho sa hinaharap—22 ay ginagamit sa Luzon, sampu ay matatagpuan sa Visayas, at walo ang nása Mindanao. 

Bakit nanganganib ang isang wika?
Ayon sa UNESCO (2003), ang panganganib ng wika ay maaaring resulta ng mga salik pang-ekonomiya, panrelihiyon, pangkultura, at pang-edukasyon; o maaaring dahil sa negatibong pagtingin ng komunidad sa kanilang sariling wika.

Ano ang palatandaan na nanganganib na ang isang wika?
Una, kapag hindi na ginagamit o sinasalita ng kabataan sa isang komunidad ang wika ng kanilang mga magulang. Ikalawa, kapag nababawasan ang bílang ng mga miyembro ng isang etnolingguwistikong pangkat (Cahill 1999).

Instrumento sa Pagtukoy sa mga Nanganganib na Wika ng Pilipinas
Hinalaw sa UNESCO Language Vitality and Endangerment  ang instrumento sa pagtukoy sa mga nanganganib na wika sa bansa. Ginamit ang UNESCO LVE dahil sa higit na simpleng paraan nitó ng paggagrado sa mga wika, pag-uuri sa mga priyoridad na salik sa pagtukoy sa nanganganib wika, malaganap na paggamit ng instrumentong ito, at madalíng pamamaraan at pagpapatupad nitó para sa mga katuwang na stakeholder ng KWF. 

Dahil sa limitadong resorses ng KWF, inadap ang tatlong priyoridad na salik ng UNESCO LVE kaugnay ng pagtukoy ng mga nanganganib na wika batay sa populasyon o bílang ng tagapagsalita ng wika: (a) Salik 1, Intergenerational Language Transmission; (b) Salik 2, Absolute Number of Speakers; at (c) Salik 3, Proportion of Speakers within the Total Population.

Salik 1: Interhenerasyonal na pag-transmit ng wika. Ang pinakakaraniwang salik sa pagtataya ng vitality ng isang wika ay kung naitatransmit ito mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

Digri ng Panganganib Grado Populasyon ng Ispiker
Ligtas 

(safe)

5 Ginagamit ang wika sa lahat ng edad, mula sa kabataan hanggang sa mga matatanda. 
Di-ligtas 

(unsafe)

4 Ginagamit ang wika ng ilang bata sa lahat ng mga domeyn; ginagamit ito ng kabataan sa mga ilang limitadong domeyn. 
Tiyak na nanganganib (definitively endangered) 3 Ginagamit lamang ng henerasyon ng mga magulang hanggang sa matatanda ang wika. 
Matinding nanganganib (severely endangered) 2 Ginagamit lamang ng henerasyon ng matatanda (lolo at lola) ang wika. 
Malubhang nanganganib (critically endangered) 1 Ginagamit na lamang ng iilang ispiker, gaya sa henerasyon ng matatanda (lolo at lola sa tuhod). 
Naglaho 

(extinct)

0 Wala nang gumagamit ng wika. 

Salik 2: Absolut na bilang ng mga ispiker. Nanganganib ang mga kakaunting bílang ng mga miyembro ng isang komunidad ng mga ispiker. 

Salik 3: Proporsiyon ng mga ispiker sa kabuoang populasyon. Ang proporsiyon ng bilang ng ispiker sa kabuoang populasyon ng isang grupo ay isang mahalagang indikeytor ng vitality ng wika.  Ang “grupo” ay maaaring tumukoy sa grupong etniko, relihiyoso, rehiyonal, o pambansa na pantukoy ng komunidad ng mga ispiker na kinabibilangan nito.

Digri ng Panganganib Grado Proporsiyon ng mga Ispiker sa 

Kabuoang Batayang Populasyon 

(Total Reference Population)

Ligtas 

(safe)

5 Ginagamit ng lahat ang wika. 
Di-ligtas 

(unsafe)

4 Ginagamit ng halos lahat ang wika. 
Tiyak na nanganganib (definitively endangered) 3 Ginagamit ng mayorya ang wika. 
Matinding nanganganib (severely endangered) 2 Ginagamit ng minorya ang wika. 
Malubhang nanganganib (critically endangered) 1 Ginagamit ng iilan lamang ang wika. 
Naglaho 

(extinct)

0 Wala nang gumagamit ng wika.
Blg. Pangalan ng Wika Bilang ng Sambahayan / Nagsasalita Lokasyon Sigla ng Wika
1 Árta 10 tao
(KWF 2022)
Brgy. Disimungal, Nagtipunan, Quirino Nanganganib ang kakaunting bílang ng mga miyembro ng isang komunidad ng ispiker.
(Salik 2)
2 Hamtikánon 21 sambahayan
(PSA 2020)
bayan ng Hamtic, lalawigan ng Antique
may mangilan-ngilan ding nagsasalita sa bayan ng Valderrama at Laua-an sa lalawigan ng Antique
Malubhang nanganganib
(Salik 3)
3 Kabaliánon 22 sambahayan
(PSA 2020)
San Juan, Katimugang Leyte Malubhang nanganganib
(Salik 3)
4 Binukignón / Binukidnón 42 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Pandanon, Brgy. Bunga, Brgy. Kumaliskis, at Brgy. Bagong Silang (Marcelo) sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental
Brgy. Codcod at Brgy. Prosperidad sa Lungsod San Carlos, Negros Occidental
Brgy. Pinggot, Brgy. Canlamay, Brgy. Balicotoc, Brgy. Tabu, at Brgy. Dancalan sa Ilog, Negros Occidental
Brgy. Carabalan, Brgy. Buenavista, Brgy. San Antonio, Brgy. Caradio-an, at Brgy. Mahalang sa Himamaylan, Negros Occidental
Brgy. Riverside, Brgy. Makilignit, Brgy. Banogbanog, Brgy. Sikatuna, Brgy. Cabcab, Brgy. Amin, Brgy. San Agustin, at Brgy. Camangcamang sa Isabela, Negros Occidental
Brgy. Sura, Brgy. Guiljungan, Brgy. Mambugsay, Brgy. Talacdan, Cauayan, Negros Occidental
Brgy. Amontay, Brgy. Santol, Brgy. Bi-ao, at Brgy. Payao sa Binalbagan, Negros Occidental
Brgy. Orong sa Kabankalan, Negros Occidental
Brgy. Gatuslao, Brgy. Agboy, Brgy. Payauan, Brgy. Poblacion East, at Brgy. Poblacion West sa Candoni, Negros Occidental
ilang barangay sa Hinoba-an at Sipalay sa Negros Occidental
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
5 Álta 53 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Diteki, San Luis, Aurora
Brgy. Dianed, Dipaculao, Aurora
Brgy. Villa Aurora, Maria Aurora, Aurora
Gabaldon, Nueva Ecija
Matinding nanganganib
(Salik 1)
6 Kaluyánën 64 sambahayan
(PSA 2020)
Isla ng Caluya, Antique 1
Malubhang nanganganib
(Salik 3)
7 Ratagnón Mangyán 70 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Tanyag, Calintaan, Occidental Mindoro Brgy. Nicolas, Magsaysay, Occidental Mindoro 1
Malubhang nanganganib
(Salik 3)
8 Malaynón 76 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Cubay Sur, Malay, Aklan sinasalita rin ito sa bayan ng Buruanga at Nabas, lalawigan ng Aklan 1
Malubhang nanganganib
(Salik 3)
9 Malawég 80 sambahayan
(PSA 2020)
Rizal, Cagayan may mangilan-ngilan din na matatagpuan sa bayan ng Tuguegarao, Enrile, at Piat sa Cagayan at sa Tabuk, Kalinga 1
Malubhang nanganganib
(Salik 3)
10 Átta 97 sambahayan
(PSA 2020)
Pudtol, Apayao Brgy. Zumigui, Brgy. Santa Lina, Brgy. San Gregorio, at Brgy. Luyon sa Luna, Apayao Brgy. Ganzano sa Gattaran, Cagayan 1
Malubhang nanganganib
(Salik 3)
11 Pánnon 105 sambahayan
(PSA 2020)
Gattaran, Sta. Teresita, Gonzaga, Lal-lo, Buguey, Sta. Ana, Amulung, at Peñablanca sa Cagayan Dinapigue, Isabela 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
12 Agtâ Dumágat Umíray 145 sambahayan
(PSA 2020)
Sityo Pulang Lupa, Sityo Matatambo, Sityo Dadjangaw, Sityo Libutan, Sityo Madaraque, Sityo Angel/Sadlak, Sityo Tombil, Sityo Mactang, at Sityo Guindan, Brgy. Umiray sa General Nakar, Quezon Sityo Dinigman at Sityo Masanga, Brgy. Canaway; Sityo Babanan, Brgy. Maligaya; Sityo Masla at Sityo Malatunglan, Brgy. Sablang; Sityo Tamala, Brgy. San Marcelino; at Sityo Anibungan, Brgy. Magsikap sa General Nakar, Quezon Sityo Yokyok, Sityo Baycuran, Sityo Makid-Ata, Sityo Tatawiran, Sityo Uma, Sityo Lagmak, at Sityo Makalya, Brgy. Pagsangahan sa General Nakar, Quezon Sityo Lagyo, Brgy Lubayat; Sityo Kalawines, Brgy. Tanauan sa Real, Quezon Sityo Cabanabanaan at Sityo Dakil, Brgy. Cagsiay III sa Mauban, Quezon Brgy Taluong sa Polilio, Quezon Brgy. Rizal sa Panukulan, Quezon Sityo Tibalaw, Brgy. Cabungalunan; Sityo Kinabisagan, Brgy. Mabini; Sityo Lawis, Brgy. Carlagan; Sityo Anuwan, Brgy. Anibawan; Sityo Butunan at Sityo Bukal, Brgy. Poblacion; at Sityo Bonifacio, Brgy. Bonifacio sa Burdeos, Quezon 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
13 Inagtâ Bíkol 156 sambahayan
(PSA 2020) 4,344
(NCIP R5 2022)
Brgy. Ibayugan; Brgy. Iraya; Brgy. Ipil; Brgy. San Ramon; Sityo Tabasab, Brgy. Santa Cruz; Brgy. Santa Isabel; at Brgy. Santa Justina sa Buhi, Camarines Sur Brgy. Santa Teresita; Brgy. Perpetual Help; Sityo Ilian, Sityo Katabog, Sityo Natabunan, Sityo Rombang, Brgy. San Nicolas; Brgy. La Anunciacion; Sityo Mampili, Brgy. Del Rosario; Brgy. San Pedro; Brgy. Santiago; Brgy. Santa Maria; Brgy. Santa Teresita; Brgy. Sta. Cruz Norte; at Brgy. Santo Domingo sa Lungsod Iriga, Camarines Sur Sityo Tabjon, Barangay Joroan; Brgy. Mâyong; at Brgy. Misibis sa Tiwi, Albay 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
14 Inagtâ Quezon 158 sambahayan
(NCIP Lucena 2022)
Brgy. Villa Espina at Brgy. Pisipis, Lopez, Quezon Brgy. Bacong, Brgy. Angeles, Brgy. Villa Norte, Brgy. Caglate, at Brgy. Villa Jesus (Munti) sa Alabat, Quezon Brgy. Dungawan Paalyunan, Guinayangan, Quezon Brgy. Del Pilar at Brgy. Villa Francia, Quezon, Quezon Brgy. Yaganak, Calauag, Quezon 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
15 Karuláno 176 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Carol-an, Lungsod Kabankalan, Negros Occidental 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
16 Gubatnón Mangyán 202 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Purnaga, Magsaysay, Occidental Mindoro 2
Matinding nanganganib
(Salik 1)
17 Porohánon 217 sambahayan
(PSA 2020)
Camotes Island 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
18 Áyta Ambalá 246 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Pita, Brgy. Bayan-bayanan, Brgy. Tubo-tubo, at Brgy. Payangan sa Dinalupihan, Bataan Brgy. Tipo, Brgy. Mabiga, at Brgy. Bamban sa Hermosa, Bataan Subic, San Marcelino, at Castillejos sa Zambales 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
19 Manidé 311 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Cabatuhan, Brgy. Malaya, at Brgy. Bagong Silang sa Labo, Camarines Norte Brgy. San Lorenzo sa Sta. Elena, Camarines Norte Brgy. San Jose, Brgy. Osmeña, at Brgy. Tamisan sa Jose Panganiban, Camarines Norte Paracale, Camarines Norte Brgy. Alayao, Capalonga, Camarines Norte 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
20 Kláta 311 sambahayan
(PSA 2020)
Distrito ng Calinan at Tugbok, Lungsod Davao, Davao del Sur 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
21 Manóbo Saranggáni 335 sambahayan
(PSA 2020)
Malita at Jose Abad Santos sa Davao Occidental Governor Generoso, Davao Oriental Glan, Sarangani 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
22 Tagabulós 430 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Dibut, Brgy. Dikapinisan, Sityo Diotorin, Brgy. Dibayabay; at Brgy. Dimanayat sa San Luis, Aurora Brgy. Cabog (Matawe) at Brgy. Umiray sa Dingalan, Aurora 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
23 Agtâ Dumágat Casigúran 440 sambahayan
(NCIP RIII 2023)
Sityo Bial, Brgy. Dibaraybay; Sityo Inipit, Brgy. Simbahan; Sityo Delebsong, Brgy. Nipoo sa Dinalungan, Aurora Sityo Dalugan at Sityo Disigisaw, Brgy. San Ildefonso; Sityo Dipontian at Sityo Dimagipo, Brgy. Cozo; Sityo Maninit, Brgy.Tinib; Sityo Casapsapan, Brgy. Culat; Sityo Gumaninang, Brgy. Dibacong; at Brgy. Calabgan sa Casiguran, Aurora Sityo Casaysayan, Brgy. Diagyan; Sityo Jaba, Sityo Depogden, Sityo Dimaseset, at Sityo Dimaguyon, Brgy. Lawang sa Dilasag, Aurora 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
24 Îguwák 486 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Buyasyas, Santa Fe, Nueva Vizcaya Brgy. Kayapa Proper East, Brgy. Kayapa Proper West, Brgy. Buyasyas, Brgy. Alang-salacsac, Brgy. Amelong Labeng, Brgy. Ansipsip, Brgy. Baan, Brgy. Balete, Brgy. Besong, Brgy. Cabalatan-Alang, Brgy. Cabayo, Brgy. Castillo Village, Brgy. Lawigan, Brgy. Pampang, Brgy. Pinayag, Brgy. Pingkian, Brgy. Talecabcab, at Brgy. Tidang Village sa Kayapa, Nueva Vizcaya Brgy. Pallas, Bambang, Nueva Vizcaya Sityo Domolpos, Brgy. Tinongdan, Itogon, Benguet Sityo Kabayabasan, Brgy. San Felipe East; at Brgy. Fianza sa San Nicolas, Pangasinan 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
25 Bukidnón Magahát 531 sambahayan
(Basay Census 2022)
Brgy. Bongalonan, Brgy. Cabatuanan, Brgy. Maglinao, Brgy. Linantayan, Brgy. Bal-os, Brgy. Cabalayongan, Brgy. Nagbo-alao, Brgy. Actin, Brgy. Olandao, at Brgy. Poblacion sa Basay, Negros Oriental Hinoba-an, Negros Occidental 1
Malubhang nanganganib
(Salik 3)
26 Inatá 534 sambahayan
(PSA 2020)
Sityo Manara, Brgy. Celestino Villacin sa Cadiz, Negros Occindental Lungsod Sagay, Calatrava, Toboso, at Salvador Benedicto sa Negros Occidental 2
Matinding nanganganib
(Salik 1)
27 Kinamigíng 564 sambahayan
(PSA 2020)
bayan ng Sagay at Guinsiliban sa isla ng Camiguin 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 3)
28 Inéte 572 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Lipata, Barotac Viejo, Iloilo Calinog at Passi sa Iloilo Brgy. Aglalana, Sityo Tag-ao, Brgy. Tamulalod, at Brgy. Janguslob sa Dumarao, Capiz Panay, at Cuartero sa Capiz 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 3)
29 Ténap 614 sambahayan
(PSA 2020)
Baggao, Cagayan Maconacon at San Pablo sa Isabela 2
Matinding nanganganib
(Salik 3)
30 Hátang Kayé 629 sambahayan
(NCIP R4 2022)
Brgy. Sta Ines, Brgy. Daraitan, Brgy. Sampaloc, Brgy. Cuyambay, Brgy. Sto. Niño, Brgy. Tinucan, Brgy. San Andres, Brgy. Mamuyao, Brgy. Laiban, at Brgy. Cayabu sa Tanay, Rizal Brgy. Lumutan, Brgy. Umiray, Brgy. Sablang, Brgy. San Marcelino, Brgy. Minahan Sur, Brgy. Magsikap, Brgy. Maligaya, Brgy. Canaway, at Brgy. Pagsangahan sa General Nakar, Quezon Brgy. Calawis at Brgy. San Jose sa Lungsod Antipolo, Rizal Brgy. Puray; Brgy. San Isidro; at Brgy. San Rafael sa Rodriguez, Rizal Brgy. Maly at Brgy. Pintong Bocawe sa San Mateo, Rizal 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
31 Bángon Mangyán 650 sambahayan
(PSA 2020)
Bongabong, Bansud, at Gloria sa Oriental Mindoro 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 3)
32 Áyta Magbukún 764 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Bangkal, Abucay, Bataan Brgy. Dangcol, Balanga, Bataan Brgy. Banawang at Brgy. Saysain, Bagac, Bataan Brgy. Duale, Limay, Bataan Brgy. Balon-Anito at Brgy. Biaan, Mariveles, Bataan Brgy. Binaritan, Morong, Bataan Brgy. Pag-asa, Orani, Bataan Brgy. Bilolo, Orion, Bataan Brgy. Palili, Samal, Bataan 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
33 Umayamnón 770 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Poblacion, Brgy. Iba, Brgy. Anlogan, Brgy. Canangaan, Brgy. Mandahikan, Brgy. Paradise, Brgy. Cabulohan, at Brgy. Mandaing sa Cabanglasan, Bukidnon Brgy. Indalaza at Brgy. Silae sa Lungsod Malaybalay, Bukidnon San Fernando, Bukidnon ilang lugar sa Davao del Norte ilang lugar sa Agusan del Sur 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
34 Manóbo Ilyánen 837 sambahayan
(PSA 2020)
mga bayan ng Pikit, Aleosan, Midsayap, Libungan, Pigcawayan, Alamada, Banisilan, Carmen, President Roxas, Antipas, Arakan, Matalam, at Kabacan sa lalawigan ng Cotabato 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 3)
35 Tadyáwan Mangyán 839 sambahayan
(PSA 2020)
Naujan, Victoria, Socorro, Gloria, Pola, at Pinamalayan sa Oriental Mindoro 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 3)
36 Menuvú/Manúvu 4,674 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. San Vicente, Brgy. Miaray, Brgy. Dolorosa, Brgy. Poblacion, Brgy. Barongcot, Brgy. New Visayas, Brgy. Sagbayan, Brgy. Osmeña, Brgy. Kapalaran, at Brgy. Bugwak sa Dangcagan, Bukidnon ilang barangay sa mga bayan ng Pangantucan, Kalilangan, Kitaotao, Kibawe, Maramag, Quezon, Damulog, at Don Carlos sa Bukidnon 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
37 Áyta Mag-ántsi 1,263 sambahayan
(PSA 2020)
Sityo Kalangitan, Brgy. Cutcut II; Sityo Flora at Sityo Binyagan, Brgy. O’Donnell; Sityo Tarukan, Brgy. Maruglu; at Sityo Pilien, Brgy. Santa Juliana sa Capas, Tarlac Palayan at Lupao sa Nueva Ecija 2
Matinding nanganganib
(Salik 1)
38 Manóbo Arománën 2,468 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Bentangan, Brgy. Aroman, Brgy. Ranzo, Brgy. Palanggalan, Brgy. Manarapan, Brgy. Kitulaan, Brgy. Pebpoloan, Brgy. Lanoon, Brgy. Manili, Brgy. Kimadzil, Brgy. Liliongan, at Brgy. Kibugtongan sa Carmen, Cotabato Midsayap, Pikit, at Kabacan sa Cotabato Brgy. Puting Bato at Brgy. Kiaring sa Banisilan, Cotabato Brgy. Bato, Brgy. Arakan, Brgy. Pinamaton, Brgy. Tamped, Brgy. Taguranao, at Brgy. Sarayan sa Matalam, Cotabato Brgy. Bato-Bato, Brgy. Lamalama, Brgy. Kimaruhing, Brgy. Datu Sandongan, Brgy. Datu Indang, at Brgy. Kisupaan sa President Roxas, Cotabato Brgy. Renibon at Brgy. Kimarayang sa Pigcawayan, Cotabato Brgy. Sinapangan, Brgy. Barongis, Brgy. Montay, Brgy. Palao, Brgy. Grebona, at Brgy. Malëngën sa Libungan, Cotabato Brgy. Rangayen at Brgy. Dado sa Alamada, Cotabato 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 3)
39 Gáddang 5,276 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Bantay, Paracelis, Mountain Province Brgy. Aromin, Brgy. Cabugao, Brgy. Caniguing, Brgy. Diasan, Brgy. Dugayong, Brgy. Fugu, Brgy. Narra, Brgy. Garit Norte, Brgy. Gumbaoan, Brgy. Madadamian, Brgy. Magleticia, at Brgy. Nilumisu sa Echague, Isabela Ramon, Lungsod Santiago, Angadanan, Reina Mercedes, Burgos, at Lungsod Cauayan sa Isabela ilang lugar sa Aurora 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
40 Binúkid 10,745 sambahayan
(PSA 2020)
Brgy. Capitan Angel, Brgy. Dalwangan, Brgy. Patpat, Brgy. Kalasungay, Brgy. Sumpong, Brgy. Canayan, Brgy. Manalog, Brgy. Kabalabag, Brgy. Casisang, Brgy. San Jose, Brgy. Laguitas, Brgy. Imbayao, Brgy. Mapayag, Brgy. Aglayan, Brgy. Cabangahan, Brgy. Miglamin, at Brgy. 1-11 sa Lungsod Malaybalay, Bukidnon Brgy. Bangcud, Brgy. Santo Niño, Brgy. Apo Macote, Brgy. Sinanglanan, Brgy. San Martin, Brgy. Simaya, Brgy. Violeta, Brgy. Linabo. Brgy. Managok, at Brgy. Maligaya sa Lungsod Malaybalay, Bukidnon (¼ lang ng populasyon ang Bukidnon sa mga barangay na ito) Manolo Fortich at Valencia sa Bukidnon 3
Tiyak na nanganganib
(Salik 1)
Nanganganib na Wika sa Luzon Nanganganib na Wika sa Visayas Nanganganib na Wika sa Mindanao
  1. Agtâ Dumágat Casigúran
  2. Agtâ Dumágat Umíray
  3. Álta
  4. Árta
  5. Átta
  6. Áyta Ambalá
  7. Áyta Mag-ántsi
  8. Áyta Magbukún
  9. Bángon Mangyán
  10. Gáddang
  11. Gubatnón Mangyán
  12. Hátang Kayé
  13. Îguwák
  14. Inagtâ Bíkol
  15. Inagtâ Quezon
  16. Malawég
  17. Manidé
  18. Pánnon
  19. Ratagnón Mangyán
  20. Tadyáwan Mangyán
  21. Tagabulós
  22. Ténap (Agta Dupaningan)
  1. Binukignón / Binukidnón
  2. Bukidnón Magahát
  3. Hamtikánon
  4. Inatá
  5. Inéte
  6. Kabaliánon
  7. Kaluyánën
  8. Karuláno
  9. Malaynón
  10. Porohánon
  1. Binúkid
  2. Kinamigíng
  3. Kláta
  4. Manóbo Aromanën
  5. Manóbo Ilyánen
  6. Manóbo Saranggáni
  7. Menuvú / Manúvu
  8. Umayamnón