Agtâ Dumágat Umíray

 

Agtâ Dumágat Umíray

       Agtâ Dumágat Umíray ang tawag sa wika ng grupong Dumágat na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon, partikular sa mga bayan ng Burdeos, General Nakar, Mauban, Panukulan, Polillo, at Real.

       Karamihan sa mga Dumágat ay nakapagsasalita ng Umíray o Umírey, bagaman may ilan nang komunidad na hindi na halos nagsasalita nitó, tulad sa Barangay Lubayat sa bayan ng Real na pawang matatandang Dumágat na lámang ang nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika. Mas pinipili na ring gamítin ng karamihan ang wikang Tagálog na lingua franca sa lalawigan. Natututuhan na rin ng kabataan, lalo na ang mga nakapag-aaral, ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

 

Pangalan ng Wika

Agtâ Dumágat Umíray

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Dumágat Umíray, Umírey

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Dumagat

Sigla ng Wika

Tiyak na nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeast Luzon, Northern

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

7,122  (NCIP  2014 R-IV-A)

Lokasyon

Burdeos, General Nakar, Mauban, Panukulan, Polillo, at Real  sa Quezon; Tanay, Rizal

Sistema ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Responses