Agtâ Irigá
Agtâ Irigá
Agtâ Irigá ang tawag sa wika ng grupong Agtâ Irigá na naninirahan sa barangay ng Murocbusok, Niño Jesus, Perpetual Help, San Ramon, Santiago, Santa Isabel, San Nicolas, Santo Domingo, Santa Teresita, San Pedro, at San Vicente sa Lungsod Iriga, Camarines Sur.
Iilan na lámang sa mga Agtâ Irigá ang nananatiling monolingguwal. Bukod sa wikang Agtâ Irigá, nakauunawa at nakapagsasalita rin ang karamihan sa mga katutubo ng Rinkonáda, Bíkol, at Agtâ Irayá. Dagdag pa sa mga wikang ito ang Filipíno at Inglés na natututuhan ng kabataan lalo na iyong mga nása paaralan.
Pangalan ng Wika |
Agtâ Irigá |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) |
Agta, Mount Iriga Negrito, San Ramon Inagta |
Pangkat na Gumagamit ng Wika |
Agta |
Sigla ng Wika |
Tiyak na Nanganganib |
Klasipikasyon |
Greater Central Philippine, Central Philippine, Bikol, Inland |
Mga Kilalang Wikain (dialects) |
|
Populasyon |
Humigit-kumulang sa 10,000 (KWF 2015) |
Lokasyon |
Barangay San Ramon, Santiago, Sta. Isabel, San Nicolas, Sto. Domingo, Perpetual Help, Sta. Teresita, Murocbusok, Niño Jesus, San Pedro, at San Vicente sa Lungsod Iriga, Camarines Sur |
Sistema ng Pagsulat |
|
Iba pang Talâ |
Malaki ang populasyon nila ngunit hindi lahat ay nakapagsasalita ng wikang Inagta Iriga. |
Responses