Agtâ Isaróg

 

Agtâ Isaróg

          Agtâ Isaróg ang tawag sa wika ng grupo ng Agtâ na nakatirá sa mga bayang nakapalibot sa paanan ng Bundok Isaróg gaya ng Goa, Lagonoy, Ocampo, Sagnay, at Tigaon sa lalawigan ng Camarines Sur. Ang iba pang tawag sa grupo at wika ay Agtâ, Inagtâ Isaróg, Inagtâ Partído, Isaróg Agtâ, at Agta Katubung. 

          Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong ang halos lahat ng Agtâ Isaróg ng wikang Bíkol at Bíkol Rinkonáda. Marunong din ang ilan sa kanila ng Filipíno at Inglés dahil sa pakikisalamuha sa mga dayo, turista, at sa mga nakatalagang sundalo sa lugar.

          Sa kasalukuyan, iisang Agtâ Isaróg na lámang ang matatas na nakapagsasalita ng kanilang katutubong wika dahil mas sinasalita na ang wikang Bíkol at Rinkonáda ng mga bagong henerasyon ng mga Agtâ Isaróg.

Pangalan ng Wika

Agtâ Isaróg

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Agtâ, Inagtâ Isaróg, Inagtâ Partído, Isaróg Agtâ, at Agta Katubung

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Agtâ Isaróg

Sigla ng Wika

Malubhang nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

1 (KWF 2015)

Lokasyon

Mga bayang nakapalibot sa paanan ng Bundok Isaróg gaya ng Goa, Lagonoy, Ocampo, Sagnay, at Tigaon sa lalawigan ng  Camarines Sur

Sistema ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Posibleng wala nang tagapagsalita. May mga nag-ulat na mayroon pang mga tagapagsalita nitó na lumipat na ng tiráhan.

Responses