
Álta
Álta
Álta ang tawag sa wika ng mga katutubong Álta na naninirahan sa lalawigan ng Aurora partikular sa Diteke sa bayan ng San Luis; sa Dianid sa bayan ng Dipaculao; sa Villa Aurora sa bayan ng Maria Aurora; at sa Gabaldon at Casalabi sa bayan ng Dingalan.
Iilang Álta na lámang ang nakapagsasalita ng wikang Álta, at ito ay ang nakatatandang miyembro ng komunidad na karaniwang nása 40 taóng gulang pataas. Karamihan sa mga batà ay hindi na natututuhan ang Álta dahil Tagálog at Ilokáno—mga maimpluwensiyang wika sa rehiyon—na ang nakagisnang wika nilá. Mayroon na ring mga natututo ng Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.*
*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2016.

Pangalan ng Wika | Álta |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Álta |
Sigla ng Wika | Matinding nanganganib (Salik 1) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Meso Cordilleram, Alta |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 1,428 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Bilang ng Sambahayan na Gumagamit ng Wika | 53 (PSA 2020 Census of Population and Housing) |
Lokasyon | Brgy. Diteki, San Luis, Aurora Brgy. Dianed, Dipaculao, Aurora Brgy. Villa Aurora, Maria Aurora, Aurora Gabaldon, Nueva Ecija |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses