Ási

 

Ási

          Ási ang pangkalahatang tawag sa wika ng mga grupong Ási na naninirahan sa mga isla ng Banton, Odiongan, Calatrava, Corcuera (isla ng Simara), at Concepcion (isla ng Sibale) sa lalawigan ng Romblon. 

          Ang mga Ási ay mas kilalá ayon sa lugar na kanilang pinagmulan: tinatawag na Bantoánon ang mga Ási na mula sa Banton, Odyongánon ang mga mula sa Odiongan, Calatravanhón ang mga taga-Calatrava, at Sibalenhón ang mga taga-Sibale.

          Bukod sa kanilang katutubong wika, karamihan sa mga Ási ay marunong din ng wikang Tagalóg na lingua franca sa rehiyon. May ilan ding nakapagsasalita ng wikang Onhán. Ang mga nakakapag-aral naman ay natututo ng Filipíno at Inglés.

Pangalan ng Wika Ási
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Bantoánon
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Bantoanon, Sibalenhon, Calatravanhon, Simaranhon, Odionganon
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 75,498  (2015 PSA census Banton, Calatrava, Concepcion, Corcuera, Odiongan)
Lokasyon Banton, Corcuera, Concepcion, Calatrava, at Odiongan sa Romblon
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses