Bolináw

 

Bolináw

          Bolináw ang tawag sa wika ng mga Bolinawnón na nanininirahan sa Isla ng Anda at mga barangay ng Binabalian, Concordia, Dewey, Germinal, Goyodin, Lucero, Luciente 1st, Luciente 2nd, Liwa-Liwa, Pilar, Salud, at Victory sa bayan ng Bolinao, Pangasinan. 

          Bolináw ang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Bolinawnón, kasunod ang wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon. Natututuhan din nilá ang Filipíno at Inglés na ginagamit na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika

Bolináw

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Bolinao Sambal, Binobolinao

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Bolinawnón

Sigla ng Wika

Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Gitnang Luzon, Sambalic

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

3,461  (NSO 2010 R-I Sambal)

Lokasyon

Anda at Bolinao sa Pangasinan

Sistema ng Pagsulat

Titik/Alpabetong Romano

Iba pang Talâ

Responses