Bugkalút

 

Bugkalút

          Ang Bugkalut ay ang wika ng grupong Bugkalút na naninirahan sa Nueva Vizcaya. Isa ang Bugkalút sa siyam na pangunahing katutubong grupo sa lalawigan, at matatagpuan silá partikular sa mga bayan ng Alfonso Castañeda, Dupax del Sur, Dupax del Norte, at Kasibu. May mga Bugkalot rin na naninirahan sa lalawigan ng Quirino, Aurora, at ilang bahagi ng Nueva Ecija. 

          Bukod sa mga Bugkalut, naninirahan din sa Nueva Vizcaya ang mga grupong Ifugáw, Kalíngga, Ilokáno, Tagálog, Isináy, Kalangúya, Kankanaëy, Ibalóy, at Dumágat—at ang wikang Ilokáno na lingua franca sa rehiyon ang nagbubuklod sa mga grupong ito. Bukod sa Bugkalut at Ilokáno, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga katutubo, lalo na ang mga nakapag-aaral, ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika

Bugkalút

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Ilongot, Egongot

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Bugkalut, Egongot

Sigla ng Wika

Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

Higit sa 10,000 (KWF 2014)

Lokasyon

Alfonso Catañeda, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, sa Nueva Vizcaya; Aurora; Quirino

Sistema ng Pagsulat

Alpabetong Romano

Iba pang Talâ

Responses