Búhid Mangyán

 

Búhid Mangyán

          Ang Búhid Mangyán ay ang wika ng mga Búhid Mangyán na naninirahan sa mga bayan ng Bansud at Bongabong, ilang bahagi ng Roxas, at ilang bahagi ng Mansalay sa Oriental Mindoro; at sa mga bayan ng San Jose at Rizal sa Occidental Mindoro. Kilalá rin ang mga Búhid Mangyán sa tawag na Búhid, Búkid, o Búkil. 

          Maliban sa kanilang katutubong wika, matatas din sa wikang Tagálog ang mga Búhid Mangyán dahil ito ang rehiyonal na wika sa lugar. Ang mga nakapag-aaral ay marunong din ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan. Ayon sa mga grupo, pinakamalapit sa kanilang wika ang Hanunóo Mangyán dahil sa lahat ng wikang Mangyán ay ito ang pinakanauunawaan nilá.

Pangalan ng Wika

Búhid Mangyán

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Bukid, Bukil

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Búhid Mangyán

Sigla ng Wika

Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)

Klasipikasyon

Greater Central Philippine, South Mangyan, Buhid-Tawbuid

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Populasyon

8,566 sa Oriental Mindoro (KWF LEF 2018/2017 census CADC30);  3,723 sa Occidental Mindoro     

Lokasyon

Bulalacao, Gloria, Bansud, Bongabong, Mansalay, at Roxas sa Oriental Mindoro; San Jose at Rizal sa Occidental Mindoro

Sistema ng Pagsulat

Katutubong paraan ng pagsulat

Iba pang Talâ

Responses