Hanunoó Mangyán

 

Hanunoó Mangyán

          Ang Hanunoó Mangyán ay ang wika ng mga katutubong Hanunoó Mangyán na naninirahan sa mga bayan ng Mansalay, Bulalacao, at ilang bahagi ng Bongabong sa Oriental Mindoro at sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro. 

          Isa ang Hanunoó Mangyán sa walong pangkat ng Mangyán na matatagpuan sa Mindoro. Kilalá rin sila sa tawag na Mangyán Hanunoó o kaya’y Mangyán bagaman mas madalas silang tawaging Hanunoó upang matukoy mula sa ibang grupong Mangyán.

          May ilang kilalang varayti ng Hanunoó Mangyán: ang Binli, Bulalakawnon, Kagankan, Waigan, at Wawan na sinasalita sa mga sityo ng Baqilan, Langat, Malutuk, at Umaban sa bayan ng Barañunan. Maliban sa mga varayting ito, sinasalita rin ng mga Hanunoó Mangyán ang wikang Binisayâ na isa mga maimpluwensiyang wika ng lugar. Halos lahat din mga Hanunoó ay nakapagsasalita ng Filipíno at Inglés lalo na ang mga nakapag-aral.

Pangalan ng Wika

Hanunoó Mangyan

Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)

Pangkat na Gumagamit ng Wika 

Hanunoó Mangyan

Sigla ng Wika

Ligtas

Klasipikasyon

Greater Central Philippine, South Mangyan

Mga Kilalang Wikain (dialects)

Binli, Bulalakawnon, Kagankan, Waigan, at Wawan

Populasyon

29,348 (NSO 2010 R-IV-B)

Lokasyon

Mansalay, Bulalacao, Bongabong, Oriental Mindoro; San Jose, Occidental Mindoro

Sistema ng Pagsulat

Katutubong Paraan ng Pagsulat

Iba pang Talâ

Responses