Higaúnon

 

Higaúnon

          Higaúnon ang tawag sa wika ng grupong Higaúnon na isa sa pitóng pangunahing grupo sa lalawigan ng Bukidnon. Matatagpuan ang grupo sa Brgy. Hagpa at Brgy. Kalabugao, Lungsod Impasug-ong; Brgy. San Luis, Lungsod Malitbog, Cabanglasan, at Malaybalay, Bukidnon; Agusan del Norte, Misamis Oriental; Iligan, Lanao del Norte. 

          Bagaman isa ang Higaúnon sa mga pangkat na may pinakamalawak na sakop ng teritoryo at pinakamalaking bílang ng populasyon sa kanilang rehiyon, kasalukuyang bumababà ang bílang ng mga nagsasalita ng wikang ito. Ito ay dahil sa pagpili ng maraming Higaúnon na salitain ang mas maimpluwensiyang wika sa kanilang lugar, ang wikang Binisayâ, at ang pagkatuto ng wikang Filipíno at Inglés dahil sa edukasyon at impluwensiya ng midya. Dahil din sa intermarriage o pagpapakasal ng mga katutubong Higaúnon sa mga miyembo ng ibang pangkating etniko—tulad ng mga Bisayà, Ilónggo, Ilokáno, at Tagálog na pawang mga kalapit na grupo—ay patuloy na nababawasan ang bílang ng mga nagsasalita ng wikang ito.

Pangalan ng Wika Higaúnon
Iba pang tawag sa wika
(alternate names)
Higaunon
Pangkat na gumagamit ng wika Higaúnon
Sigla ng wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, Higaunon
Mga kilalang wikain (dialects)
Populasyon 67 pamilya (LEF 2018/Impagsug-ong, Bukidnon) 310,807 (NSO 2010 R-X)
Lokasyon (CADT 054-AGMIHICU) Brgy. Hagpa at Brgy Kalabugao, Lungsod Impasug-ong; Brgy. San Luis, Lungsod Malitbog, Cabanglasan, at Malaybalay, Bukidnon; Agusan del Norte, Misamis Oriental; Iligan, Lanao del Norte.
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses