Hiligaynon

 

Hiligaynon

          Hiligaynón ang tawag sa wika ng grupong Hiligaynón na naninirahan sa kanlurang Visayas partikular sa lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental. May ilan ding nagsasalita nitó sa Negros Oriental, Sultan Kudarat, at Timog Cotabato sa Mindanao. 

          Hiligaynón ang tawag ng grupo sa kanilang wika samantalang tinatawag naman ng mga tagalabas ang kanilang wika na Panayáno. Ilonggo naman ang tawag sa mga táong nagsasalita ng wikang ito. Bukod sa Hiligaynón, ginagamit din ng mga Ilonggo ang wikang Filipino at Ingles sa pakikisalamuha sa mga hindi katutubong Ilónggo, gayundin sa paaralan.

Pangalan ng Wika Hiligaynón
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ilonggo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ilonggo
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, Central, Peripheral
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 7,773,655 (NSO 2010 buong ilipinas)
Lokasyon

Iloilo; Capiz; Isla ng Guimaras; Negros 

Occidental, bayan ng Bayawan, Basay, at Canlaon, lalawigan ng Negros Oriental; Sultan Kudarat; Timog Cotabato;  Maguindanao; ilang bayan Masbate

Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses