Ibalóy

 

Ibalóy

          Ibalóy ang tawag sa wika ng grupong Ibalóy na naninirahan sa timog-silangang bahagi ng lalawigan ng Benguet, partikular sa mga bayan ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La Trinidad, Tuba, Itogon; katimugang Kapangan; at Atok. Kilalá rin ang grupo sa pangalang Ibadóy, Inibalóy, Benguet-Igorot, at Igodór. 

          Ginagamit din ng mga katutubong Ibalóy ang lingua franca sa rehiyon, ang wikang Ilokáno, at ang Filipíno, at Inglés na natututuhan nilá mula sa paaralan at sa eksposyur sa midya.

Pangalan ng Wika Ibalóy
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Ibaloi, Ibadoy, Inibaloi, Igodor
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ibalóy
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso-Cordilleran, South-Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran
Mga Kilalang Wikain (dialects) Kabayan, Bokod, Daklan
Populasyon

145,010 (NSO 2010 CAR)

3,147 (2018 State of Barangay Governance Report) Brgy. Bineng, La Trinidad at Brgy. Tublay Central, Tublay, Benguet / LEF 2018)

Lokasyon Lungsod Baguio; at mga bayan ng Atok, Bokod, Kabayan, Kapangan, La Trinidad, Tublay, Tuba, Sablan, at Itogon sa lalawigan ng Benguet; at Kayapa, Nueva Vizcaya
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses