Îguwák

 

Îguwák

          Îguwák ang tawag sa wika ng mga katutubong Îguwák na naninirahan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, partikular sa Barangay Buyasyas sa bayan ng Santa Fe at sa Barangay Buyasyas sa bayan ng Kayapa. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa bayan ng San Nicolas, Pangasinan. 

          Ayon sa ilang pag-aaral, malapít ang wikang Îguwák sa wikang Karáw at Ibalóy. Matatagpuan naman ang mga Îguwák kasáma ang mga dominanteng etnolingguwistikong grupo kayâ ang kanilang mga kinagawian ay may pagkakatulad sa iba’t ibang kulturang nakapalibot sa kanila.

          Natututuhan ng mga Îguwák ang Filipíno at Inglés sa eskuwelahan na parehong mga wikang panturo.

Pangalan ng Wika Îguwák
Iba pang tawag sa wika (alternate names)
Pangkat na gumagamit ng wika  Îguwák
Sigla ng Wika Tiyak na Nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso-Cordilleran, South-Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran, Nuclear Southern Cordilleran, Ibaloy
Mga kilalang wikain (dialects)
Populasyon

2,408  (LEF 2018 – NV at Itogon Benguet)

10,559 (NSO 2010 CAR, Rehiyon I, Rehiyon II, Rehiyon III)

Lokasyon

Buyasyas, Kayapa at Buyasyas,

Santa Fe sa Nueva Vizcaya; ilang bahagi ng Sitio Chomolpos/Domolpos) Tinongdan, Itogon, Benguet, ilang bahagi ng San Nicolas 

Pangasinan

Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang talâ

Responses