Iraya Mangyan

Iraya Mangyan

          Irayá Mangyán ang wikang sinasalita ng mga katutubong Irayá Mangyán na naninirahan sa mga bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, at Baco sa Oriental Mindoro. May ilan ding naninirahan sa ilang bahagi ng Occidental Mindoro partikular sa mga bayan ng Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, at Santa Cruz.. 

          Bukod sa kanilang katutubong wika, marunong din ng Tagálog ang karamihan sa mga Irayá. Sa katunayan, maraming batàng Irayá Mangyán ang Tagálog ang wikang sinasalita sa halip na wikang Irayá Mangyán. Ito ay dahil marami na sa kanila ang namumuhay kasáma ng mga Tagálog sa kapatagan o di kayâ’y araw-araw na nakikisalamuha sa mga ito.

          Ang Filipíno at Inglés naman ay itinuturo sa paaralan mula elementarya bílang asignatura subalit marami pa rin sa mga Irayá ang hindi nakakapagsalita ng mga wikang ito. Samantála, pawang ang matatandang nása edad 60 pataas na lámang ang nananatiling monolingguwal na Irayá Mangyán.

Pangalan ng Wika Irayá Mangyán
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Irayá
Pangkat na gumagamit ng wika  Irayá Mangyán 
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon North Mangyan
Mga kilalang wikain (dialects) Abra de Ilog, Alag-Bako, Pagbahan, Paluan- Calavite, Pambuhan, at Santa Cruz
Populasyon 26, 822 (NSO 2010 R-IV-B)
Lokasyon Puerto Galera, San Teodoro, at Baco, Oriental Mindoro; Abra de Ilog, Paluan,  Mamburao, at Sta. Cruz, Occidental Mindoro
Sistema ng Pagsulat
Iba pang talâ

Responses