Isináy

 

Isináy

          Ang Isináy ay ang wika ng mga katutubong Isináy na isa sa siyam na pangunahing pangkating etniko na naninirahan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Matatagpuan silá partikular sa bayan ng Bambang, Aritao, at Dupax del Sur na itinuturing na sentro ng grupo. 

          Nakapaligid ang mga grupong Kalangúya, Ilokáno, Tagálog, Kapampángan, at Pangasinán sa lugar ng mga Isináy. Dahil dito, hindi maiwasang matutuhan nilá ang alinman sa wika ng mga nabanggit na grupo. Marunong din silá ng Ilokáno na rehiyonal na wika sa lalawigan. Natututuhan na rin ng mga batàng Isináy ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.*

*datos mula sa isinagawang dokumentasyon ng KWF noong 2018

Pangalan ng Wika Isináy
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Isinai,  Inmeyas
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Isináy
Sigla ng Wika Tiyak na nanganganib (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 12,528 indibidwal (2012 Ancestral Domain Areas Census Report)  
Lokasyon Dupax del Sur, Bambang, at Aritao lalawigan ng Nueva Vizcaya
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses