Itawit
Itawit
Itáwit ang tawag sa wika ng mga katutubong Itáwes na naninirahan sa lalawigan ng Cagayan, partikular sa mga bayan ng Enrile, Solana, Piat, Tuao, Iguig, Amulung, Tuguegarao, Peñablanca, Gattaran, Lallo, Appari, at Santo Niño. May ilan ding naninirahan sa lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. Sa Enrile, Cagayan matatagpuan ang pinakamalaking bílang ng mga Itáwes.
Tatlumpu’t limang porsiyento (35%) ng kabuoang populasyon ng Cagayan ay mga Itáwes. Ang natitirá ay binubuo ng mga grupong Kalínga, Ilokáno, Kapampángan, at Ibanág. Sa pakikisalamuha sa mga grupong ito ay hindi maiwasang matutuhan ng mga Itáwes ang alinman o ang lahat ng wika ng ibang grupo, bukod pa sa Ilokáno na ginagamit nilá bílang lingua franca ng rehiyon. Natututuhan rin ng mga katutubong Itáwes ang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Itáwit |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Itawes, Itawis |
Pangkat na gumagamit ng wika | Itawes |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Northern Luzon, Northern Cordilleran, Cagayan Valley, Ibaganic |
Mga kilalang wikain (dialects) | |
Populasyon | 225, 744 (NSO 2010 R-1, R-2) |
Lokasyon | Lalawigan ng Cagayan partikular sa bayan ng Enrile, Solana, Piat, Tuao, Iguig, Amulung, Tuguegarao, Peñablanca, Gattaran, Lallo, Appari, at Sto. Niño |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang talâ |
Responses