Ivatán
Ivatán
Ivatán ang tawag sa wika ng mga katutubong Ivatán na naninirahan sa mga isla ng Batanes, partikular sa mga bayan ng Batan, Sabtang, at Itbayat. Ang kilaláng varayti ng wikang ito, ang Itbayátën, ay sinasalita ng mga Ivatán sa Isla ng Itbayat.
Ang Batanes ay ang pinakamaliit na lalawigan sa buong Pilipinas, at sa gayon ay ang lalawigang may pinakamaliit na bílang din ng populasyon. Bagaman maliit ang bílang, ang buong populasyon ng Batanes ay Ivatán ang wikang sinasalita. Siyamnapung porsiyento (90%) naman ng populasyon na ito ay marunong ng wikang Filipíno.
Pangalan ng Wika | Ivatán |
Iba pang tawag sa wika (alternate names) | Ivatanen, Chirin nu Ibatan |
Pangkat na gumagamit ng wika | Ivatán |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Batanic |
Mga kilalang wikain (dialects) |
Ivasayen (sinasalita sa Basco), Isamurungen (sinasalita sa Mahatao, Ivana, Uyugan, at Sabtang), at Itbayaten (sinasalita sa isla ng Itbayat) |
Populasyon | 17,246 (PSA 2015 Batanes; LEF 2018) |
Lokasyon | Batanes |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang talâ |
Responses