Jama Mapún

 

Jama Mapún

          Ang Jáma Mapún ay ang wikang sinasalita sa isla ng Mapun (dáting Cagayan de Sulu o Cagayan de Tawi-tawi) ng mga katutubong Jáma Mapún. Sinasalita rin ito sa mga bayan ng Balabac, Bataraza, at Brooke’s Point sa lalawigan ng Palawan. 

          Karamihan sa mga Jáma Mapún ay mulitilingguwal. Bukod sa wika ng mga karatig-grupo na Bahása Sug, Inglés, at Sáma, nakaiintindi at nakapagsasalita rin silá ng wikang Inglés. Sa kasalukuyan, tinatáyang 4,000 Jáma Mapún na lámang ang monolingguwal.

Pangalan ng Wika Jama Mapún
Iba pang tawag sa wika (alternate names) Sama Mapun
Pangkat na gumagamit ng wika  Jama Mapun
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Samalan, Sulu-Borneo, Borneo Coast Bajaw 
Mga kilalang wikain (dialects)
Populasyon 38,592 (NSO 2010 ARMM, R-IV-B)
Lokasyon Isla ng Mapun (dating Cagayan de Sulu o Cagayan de Tawi-tawi) sa lalawigan ng Tawi-Tawi, gayundin sa Balabac, Bataraza, at Brooke’s Point sa lalawigan ng Palawan
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang talâ Sinasalita rin sa lugar ang Bahasa Sug. 

Responses