Kagayanën
Kagayanën
Kagayánën ang tawag sa wika ng mga katutubong Kagayánën na naninirahan sa Isla ng Balabac; sa mga bayan ng Cagayancillo, Quezon, Rizal, Busuanga, Coron, at Roxas sa lalawigan ng Palawan; at sa Lungsod Puerto Princesa.
Karaniwang Kagayánën ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Kagayánën sa kanilang komunidad. Pagkaraan, natututuhan naman nilá ang wikang Tagálog na rehiyonal na wika sa Palawan. Natututuhan din ng karamihan ang wika ng iba pang grupo sa lalawigan tulad ng Hiligaynón, Bíkol, Mëranáw, Bahása Súg, at Siyámal. Nagiging bihasa naman sa Filipíno at Inglés ang mga nása eskuwelahan.
Pangalan ng Wika | Kagayánën |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Kinagayánen |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kagayanën |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, North |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 28,539 (NSO 2010 R-IVB) |
Lokasyon | Balabac, Cagayancillio, Busuanga, at Coron sa Palawan |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses