Kaluyanën
Kaluyanën
Kaluyánën ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Kaluyánën sa isla ng Caluya sa lalawigan ng Antique. Kilalá rin ang grupo sa pangalang Kaluyánen, Kaluyánun, at Kaluyanhón.
Semirara ang kilaláng diyalekto ng Kaluyánon, bagaman may iba pang mga wikang sinasalita sa ibang lugar na hawig dito, tulad ng wikang sinasalita sa Ilin (Iling), Ambulong, Tadlok, Sibalat, Banban, Alibog, at Maasin sa lalawigan ng Mindoro; at sa Batbatan at Maniguin (Maningning) sa bayan ng Culasi, Antique.
Bukod sa Kaluyánën, marunong din ng wikang Hiligaynón ang mga Kaluyánën. Halos pantay lámang ang pagkatuto nilá sa kanilang unang wika na Kaluyánën at pangalawang wika na Hiligaynón.
Pangalan ng Wika | Kaluyanën |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Kaluyanon, Caluyanen, Caluyanon |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kaluyanën |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Austronesian, Malayo-Polynesian, mga wikang Meso-Pilipínas, mga wikang Gitnang Pilipínas, mga wikang Kanlurang Bisayà, Kaluyánon |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Semirara |
Populasyon |
Hindi tiyak ang bílang ng nagsasalita 30,046 populasyon ng Caluya (NSO 2010) |
Lokasyon | Isla ng Caluya, Antique |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses