Kapampángan
Kapampángan
Ang Kapampángan ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas na sinasalita ng mga Kapampángan sa lalawigan ng Pampanga. Sinasalita rin ito sa Lungsod Tarlac at mga bayan ng Bamban, Capas, at Concepcion sa lalawigan ng Tarlac; sa bayan ng Cabiao sa Nueva Ecija; at sa mga bayan ng Dinalupihan at Hermosa sa Bataan. Tinatawag ng mga tagalabas ang wikang ito sa mga pangalang Pampánggo, Pampángan, at Pampanggényo.
Karamihan sa mga Kapampángan ay multilingguwal at marunong ng wikang Tagálog, Filipíno, at Inglés bagaman nananatiling monolingguwal ang ilan sa pinakamatatandang miyembro ng komunidad at iyong mga naninirahan sa malalayong barangay.
Pangalan ng Wika | Kapampángan |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Pampanggo, Pampangueño |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Kapampangan |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Central Luzon |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 2,497,577 (NSO 2010 R-III) |
Lokasyon | Pampanga; Capas, Bamban, at Lungsod Tarlac sa Tarlac; Hermosa, Dinalupihan, at Abucay sa Bataan; Cabiao, Nueva Ecija; Gatbuca, at Calumpit sa Bulacan |
Sistema ng Pagsulat |
Titik/Alpabetong Romano Katutubong paraan ng pagsulat |
Iba pang Talâ |
Responses