Kasiguránin

Kasiguránin

          Kasiguránin ang wikang sinasalita ng grupong Kasiguránin na naninirahan sa bayan ng Casiguran sa lalawigan ng Aurora. Kasiguránin at Tagálog ang lingua franca sa Casiguran. Sabay na itinuturo ang dalawang wika sa mga batàng Kasiguránin hábang natutuhan nilá ang ilan sa mga wika ng mga grupong nakapalibot sa kanila gaya ng Agtâ at Ilokáno. 

          Sa mga paaralan, Filipíno at Inglés ang ginagamit na mga wikang panturo bagaman sinisimulan nang gamítin ang wikang Kasiguránin sa pagtuturo sa mga batà bílang bahagi ng kurikulum ng edukasyon.

Pangalan ng Wika Kasiguránin
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kasiguranin 
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Northern Cordilleran, Northeastern Luzon, Northern
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 27,577 (2010 PSA census / LEF 2018)
Lokasyon Casiguran, Aurora
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses