Kinaráy-a

Kinaráy-a

          Kinaráy-a ang tawag sa wika ng mga Karáy-a na naninirahan sa iba’t ibang bahagi ng mga lalawigan ng Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo. Kilalá rin ang wikang ito sa tawag na Antiqueño, Hinaráya, at Karáy-a. 

          Bukod sa Kinaráy-a, sinasalita rin ang wikang Hiligaynón sa mga nabanggit na lugar. Gayunman, higit na marami ang nagsasalita nitó kaysa Hiligaynón sa lalawigan ng Antique, sa buong Capiz, sa Gitnang Iloilo, at sa mga bayan sa kanlurang baybáyin ng Iloilo. May ilan ding grupo na nagsasalita nitó sa lalawigan ng Palawan.

          Nakauunawa rin ang halos lahat ng mga Karáy-a ng wikang Filipíno at Inglés na mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Kinaráy-a
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Antiqueño, Hinaráya, Karáy-a
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Karáy-a
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West 
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 482,123 (NSO 2010 R-IVB, R-VI)
Lokasyon Antique; Lungsod Passi, Alimodan, San Joaquin, Lambunao, Calinog, Leon,  Miag-ao, Pavia, Badiangan, San Miguel, Guimbal, San Enrique, Tigbauan, San Enrique, Tigbauan, Igbaras, Leganes, Pototan, Bingawan, San Rafael, Mina, Zarraga, Oton, Santa Barbara, Cabatuan, Janiuay, Maasin, New Lucena, Dueñas, Dingle, at Tubungan sa Iloilo; Tapaz, Jamindan, Dumalag, at Dumarao sa Capiz; ilang bahagi ng Aklan at Palawan
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses