Kláta
Kláta
Kláta ang wikang sinasalita ng grupong Bagóbo Kláta o Bagóbo Tagabáwa na matatagpuan sa lalawigan ng Davao del Sur, partikular sa mga distrito ng Calinan at Tugbok sa Lungsod Davao.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakapagsasalita rin ang mga Bagóbo Kláta ng Binisayâng Mindanáw na rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Sa katunayan, nahahaluan na ng Binisayâng Mindanáw ang wikang Kláta na nakagisnan ng mga katutubo. Nababawasan na rin ang bílang ng mga nagsasalita ng wikang ito dahil sa pagpili ng mga katutubo na gamítin ang mas maimpluwensiyang wika sa kanilang rehiyon.
Pangalan ng Wika | Kláta |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Bagobo Klata |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Bilic |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 59,838 (NSO 2010 R-XI) |
Lokasyon | Davao del Sur partikular sa Calinan District at Tugbok District sa lungsod Davao |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses