Kolibúgan

Kolibúgan

          Kolibúgan ang wikang sinasalita ng mga katutubong Kalibúgan na naninirahan sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Dipolog, Liloy, Sibuko, Sindangan, Siocon, Sirawai, at Titay. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Davao, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

          Sa Sirawai matatagpuan ang sentrong komunidad na mahigit 80% ng kabuoang populasyon ay binubuo ng mga Kalibúgan hábang ang natitiráng 20% ay mga Sebwáno, Ilónggo, Siyámal, at Joloháno. 

          Bukod sa Kolibúgan, marunong ding magsalita ang mga Kalibúgan ng ibang wika tulad ng Subanën, Sebwáno at Hiligaynón. Marunong rin silá ng Filipíno at kaunting Ingles na natutuhan nilá bílang mga wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Kolibúgan 
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)    
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kalibúgan 
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Subanon, Western 
Mga Kilalang Wikain (dialects)  
Populasyon 37,634 (NSO 2010 R-IX) 
Lokasyon Siocon, Sirawai, Sibuko, Titay, Liloy, Sindangan, at Dipolog sa Zamboanga del Norte
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses