Kuyunón

Kuyunón

          Kuyunón ang tawag sa wika ng mga Kuyunón na naninirahan sa mga isla ng Cuyo sa Palawan, partikular sa mga bayan ng Agutaya, Araceli, Brooke’s Point, Busuanga, Culion, Cuyo, Dumaran, Linapacan, Magsaysay, Puerto Princesa, Roxas, at San Vicente. Tinatawag rin siláng Kuyunín ng ibang grupo sa Palawan tulad ng mga Tagálog at Bisayà.

          Unang natututuhan ng mga batàng Kuyunón ang kanilang katutubong wika. Dahil napaliligiran ng ibang grupo tulad ng mga Sebwáno, Ilónggo, Masbatényo, Agutaynë́n, at Tagálog, hindi maiwasang matutuhan nilá ang wika ng alinman sa mga grupong ito. Kayâ, karaniwan na lámang sa kanila ang maging multingguwal. Sa paaralan naman ay natututo at nasasanay silá sa paggamit ng wikang Filipíno at Inglés. 

Pangalan ng Wika Kuyunón
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Cuyunon
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Kuyunón
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West, Kuyan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 249,513 (NSO 2010 R-IVB)
Lokasyon Agutaya, Cuyo, Dumaran, Linacapan, Magsaysay, Lungsod Puerto Princesa, at El Nido sa Palawan
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses