Mamanwá
Mamanwá
Mamanwá ang wika ng mga katutubong Mamanwá na naninirahan sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Norte, at sa Saint Bernard sa Katimugang Leyte. Kilalá rin ang mga Mamanwá sa tawag na Mamáwa, Mamanwá Negríto, at Minamanwá hábang tinatawag din ang kanilang wika na Amamanúsa at Manmanwá.
Bukod sa kanilang sariling wika, nakaiintindi at nakapagsasalita rin ang mga Mamanwá ng wikang Surigawnón at Sebwáno na natutuhan nilá mula sa pakikisalamuha sa mga Bisayà at Surigawnón sa kanilang lugar.
Karamihan sa mga Mamanwá ay hindi marunong magsalita ng Filipíno at Inglés. Iilan lámang sa kanila ang nakapagsasalita ng mga wikang ito, at silá iyong mga nakapag-aral at nakadadalo sa mga pagtitipon sa labas ng kanilang komunidad.
Pangalan ng Wika | Mamanwá |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Minamanwa, Amamanúsa |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Mamanwá |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Central Philippine |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 203,200 (NSO 2010 R-VIII, R-XIII) |
Lokasyon |
Surigao del Norte, Agusan del Norte, Southern Leyte |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses