Manóbo Matigsalúg
Manóbo Matigsalúg
Manóbo Matigsálug ang tawag sa wika ng mga katutubong Manóbo Matigsálug na naninirahan sa Davao Matigsálug ay ginagamit ng mga katutubong Manóbo Matigsálug na nakatirá malápit sa Ilog Salug. Matatagpuan sila sa Lungsod Davao, Davao del Sur, Davao del Norte, Hilagang Cotabato, at Bukidnon.
Naituturo pa rin ng mga magulang ang wikang Manóbo Matigsálug sa kanilang mga anak, subalit ang kabataang nalayo sa kanilang komunidad para mag-aral ay hindi na masyadong nagsasalita nitó. Ginagamit na rin ang wikang Manóbo Matigsálug bílang wikang panturo sa mga paaralan.
Pangalan ng Wika | Manóbo Matigsálug |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Matigsálug |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Manóbo Matigsálug |
Sigla ng Wika | Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Central Philippine, Manobo, South, Ata-Tigwa |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Kulamen |
Populasyon | 28,942 (NS) 2010 R-X, R-XI, R-XII) |
Lokasyon | Lungsod Davao, Davao del Sur, Davao del Norte, Hilagang Cotabato, Bukidnon |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Responses