Manóbo Saranggáni

Manóbo Saranggáni

          Manóbo Saranggáni ang tawag sa wika ng grupong Manóbo Saranggáni na naninirahan sa Davao del Sur at Davao Oriental. Pinakamalaki ang bílang ng grupo sa katimugang bahagi ng Davao del Sur, partikular sa mga bayan ng Jose Abad Santos at Don Marcelino. May mangilan-ngilan ding nagsasalita nitó sa bayan ng Malita, Davao Occidental, at sa lalawigan ng Sarangani. Isang kilaláng diyalekto nitó ang Governor Generoso Manóbo na sinasalita sa nasabing lugar (bayan ng Governor Generoso) sa lalawigan ng Davao Oriental.

Pangalan ng Wika Manóbo Saranggáni
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Sarangani
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Manóbo Saranggáni
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Manobo, South
Mga Kilalang Wikain (dialects) Governor Generoso
Populasyon Walang tiyak na bílang, maaaring nakasáma sa pangkalahatang bílang ng mga Manobo sa census ng NSO 2010
Lokasyon Bayan ng Jose Abad Santos at Don Marcelino sa Davao del Sur; bayan ng Governor Generoso sa Davao Oriental, at sa lalawigan ng Sarangani
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses