Pangasinán

Pangasinán

          Ang wikang Pangasinán ay isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas. Ito ang wikang sinasalita sa lalawigan ng Pangasinan partikular sa mga bayan ng Basista, Bayambang, Binmaley, Calasiao, Dagupan, Malasiqui, Mangaldan, Mangatarem, Mapandan, Pozorrubio, San Carlos, San Fabian, San Jacinto, Santa Barbara, at Urbiztondo. May mga nagsasalita rin nito sa mga bayan ng Anao, Camiling, Gerona, Lungsod Tarlac, Mayantoc, Moncada, Panique, Pura, Ramos, San Clemente, San Manuel, Santa Ignacia, at Victoria sa lalawigan ng Tarlac, at sa ilang lugar sa La Union. Parehong ginagamit ang Pangasinan at Pangasinense bílang pantukoy sa pangalan ng pangkat na gumagamit ng wikang Pangasinan.

          Halos kalahati ng populasyon ng Pangasinan ay binubuo ng mga Pangasinénse, habang ang natitirá ay grupo ng mga dayong Ilokáno na naninirahan na sa silangan at kanlurang bahagi ng lalawigan.

Pangalan ng Wika Pangasinán
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names)  
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Pangasinán,  Pangasinense
Sigla ng Wika Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Northern Luzon, Meso Cordilleran, South Central Cordilleran, Southern Cordilleran, West Southern Cordilleran
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 1,481,357 (NSO 2010 R-I, R-II, R-III, CAR)
Lokasyon Pangasinan, Tarlac, La Union
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses