Ratagnón Mangyán

Ratagnón Mangyán

          Ratagnón Mangyán ang tawag sa wika ng mga Ratagnón Mangyán na naninirahan sa lalawigan ng Occidental Mindoro, partikular sa Barangay Tanyag sa bayan ng Calintaan at Barangay San Nicolas sa bayan ng Magsaysay. Kilalá rin ang mga Ratagnon Mangyan sa tawag na Latagnon at Datagnon.

          Bukod sa wika ng mga karatig-grupo ay natutuhan din ng mga katutubong Ratagnón Mangyán ang Filipino at Ingles na ginagamit na wikang panturo sa paaralan.

Pangalan ng Wika Ratagnón Mangyán
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Datagnon, Latagnon, Aradigi
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Ratagnón Mangyán
Sigla ng Wika Tiyak na Nanganganib
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West, Kuyan
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 1,006 (NSO 2010 R-IVB)
Lokasyon Brgy. Tanyag sa bayan ng Calintaan at Brgy. San Nicolas sa bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses