Sáma
Sáma
Sáma ang tawag sa wika ng mga katutubong Sáma na naninirahan sa lalawigan ng Sulu, Tawi-tawi, Basilan, Zamboanga del Norte, Palawan, at Davao del Norte.
Mataas ang pagtingin ng mga Sáma sa kanilang katutubong wika. Sa katunayan, ito ang unang wikang natutuhan ng mga Sáma. Sunod niláng natututuhan ang ibang wikang ginagamit sa labas ng kanilang komunidad tulad ng Málay, Bahása Sug, Filipíno, at Inglés.
Pangalan ng Wika | Sáma |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Sama Bangingi/Balangingi, Sama Pangutaran/ Sama Laminusa, Sama Sentral (Sama Bajaw, Sama Tawi-Tawi), Sinama, Siamal. |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Sáma |
Sigla ng Wika | Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018) |
Klasipikasyon | Greater Barito, Samalan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | Sáma Bangingì Sáma Sentrál Sináma Siyámal Sáma Pangutaran |
Populasyon | 164,580 (Basilan PPD 2015) 27,341 (Zamboanga City OCPDC 2015) (KWF-LE 2018) 439,681 (NSO 2010 R-IX, R-XI, ARMM, R-IVB) |
Lokasyon | Sulu, Tawi-Tawi, Basilan, Lungsod Zamboanga, Palawan |
Sistema ng Pagsulat | Titik/Alpabetong Romano |
Iba pang Talâ |
Mga Varayti ng Wikang Sáma
Sáma Bangingì
Sinasalita ang varayting ito sa mga bayan ng Isabela, Sumisip, at Tipo-tipo sa lalawigan ng Basilan at sa mga lalawigan ng Sulu at Zamboanga del Norte. Tinatawag ng mga tagalabas ang grupong ito sa mga pangalang Hilagang Sáma o Sináma, Sáma Balangingi, Baangingi, Bangingì Sáma, at Balangingi. May mga subdiyalekto ang Sáma Bangingì: ang Lutangan (Lutango), Sibuku, Sibugay (Batuan), Balangingi, Daongdung, at Kabingaan.
Sáma Sentrál
Ang Sáma Sentrál ay ang varayti na sinasalita ng mga Sáma Badyáw na matatagpuan sa lalawigan ng Sulu at Tawi-tawi.
Sináma
Ang Sináma ay ang varayti ng Sáma na sinasalita sa timog-silangang baybáyin ng distrito ng Babak at distrito ng Kaputian, partikular sa mga barangay ng Aumbay at Tagbay sa Sámal District; at mga barangay Anonang, Libertad, San Isidro, San Remegio, at Tagbaobo sa Davao del Norte.
Siyámal
Ang Siyámal ay ang varayting sinasalita mga katutubong Siyámal sa Zamboanga, Jolo, at Isla ng Sangbay. Pinakamalaki ang bílang ng mga nagsasalita nito sa Sangbay, isang pulo sa pagitan ng Jolo at Davao. May ilang gumagamit din nitó sa Barangay Riotuba, Bataraza, sa lalawigan ng Palawan.
Sáma Pangutaran
Ang varayting ito ay sinasalita sa kanlurang bahagi ng Sulu, sa isla ng Pangutaran, at sa Cagayan de Tawi-tawi.
Responses