Subanën

Subánën

          Ang Subánën ay ang wikang sinasalita ng mga katutubong Subánën sa lalawigan ng Zamboanga del Norte, partikular sa mga bayan ng Katipunan, Sindangan, Siocon, Sirawai, Dipolog, Manukan, Titay, Ipil, Labason, Sibuco, Salug, Kalawit, Tampilisan, Gutalac, Tungawan, Siayan, Manuel Roxas, at Osmeña; gayundin sa ilang bahagi ng Zamboanga, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Misamis Occidental.

          Subánën ang unang wikang natututuhan ng mga batàng Subánën. Sa kanilang paglaki ay natututuhan din nilá ang Hiligaynón at Binisayâng Mindanáw na mga rehiyonal na wika sa kanilang lugar. Pagtuntong sa paaralan, nagsisimula naman siláng matuto ng Filipíno at Inglés na mga wikang panturo.

Pangalan ng Wika Subanën
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Subanon, Sinubanon, Sinubanën
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Subanën, Subanon
Sigla ng Wika Di-Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Subanon
Mga Kilalang Wikain (dialects) Ginselugnén, Lapuyan, Sindangan, Sioco, Tuboy-Salog
Populasyon 3,459 (2006 LPLICC) Zamboanga City
4,048 (2015) Siayan, Zamboanga del Norte
3,535 (MPDO 2015) Aloran, Misamis Occidental (24% ng kabuoang             populasyon ng Aloran,  Misamis Occidental)
15,230 (Kabasalan, Zamboanga Sibugay)
44,808 (Lapuyan, Zamboanga del Sur)
71,080 kabuoan (LEF 2018)
Lokasyon Labuan, Masalag, Patalon, at Limpapa,   Zamboanga City (LPLICC) 7, Bongalao, Lintangan, Sibuco, Zamboanga del Norte; Kabasalan. Zamboanga Sibugay; Lapuyan, Samboanga del Sur; Misamis Occidental
Sistema ng Pagsulat Titik/Alpabetong Romano
Iba pang Talâ

Responses