Tadyáwan Mangyán
Tadyáwan Mangyán
Tadyáwan Mangyán ang tawag sa wika ng grupo ng mga Tadyawan Mangyan na naninirahan sa mga bayan ng Gloria, Naujan, Pinamalayan, Pola, Socorro, at Victoria sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Tinatawag din ng grupo ang kanilang sarili na Balaban habang kilalá naman sila ng mga tagalabas sa tawag na Pula o Tadyanan.
Bukod sa kanilang katutubong wika, nakapagsasalita rin ang mga Tadyawan Mangyan ng wika ng mga karatig-grupo sa labas ng kanilang komunidad. Nakapagsasalita rin sila ng Filipino at Ingles na ginagamit na wikang panturo sa paaralan.
Pangalan ng Wika | Tadyáwan Mangyán |
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) | Balaban, Pula, Tadianan |
Pangkat na Gumagamit ng Wika | Tadyawan Mangyan |
Sigla ng Wika | Nanganganib batay sa kumakaunting bílang ng katutubo |
Klasipikasyon | North Mangyan |
Mga Kilalang Wikain (dialects) | |
Populasyon | 4, 280 (NSO 2010 R-IV-B) |
Lokasyon |
Naujan, Victoria, Socorro, Gloria, Pola, at Pinamalayan, Oriental Mindoro |
Sistema ng Pagsulat | |
Iba pang Talâ |
Responses