Tagakawló

Tagakawló

          Ang Tagakawló ay ang wika ng mga katutubong Tagakawló na naninirahan sa Malungon at Alabel sa lalawigan ng Sarangani.

          Tagakawló ang kadalasang unang wikang natututuhan ng mga katutubong Tagakawló bagaman may ilan na hindi na natuto nito dahil sa intermarriage o pakikipag-asawa ng mga katutubo sa mga dayo o sa mga miyembro ng ibang pangkating etniko tulad ng Hiligaynón, Sebwáno, at Tagálog. Dahil dito, marami na sa mga Tagakawló ang nakapagsasalita rin ng wika ng mga nasabing grupo. Ang mga Tagakawló sa bayan ng Malungon, na kasámang naninirahan ng grupo ng mga Bláan, ay natuto na rin ng wikang Bláan.

Pangalan ng Wika Tagakawló
Iba pang Tawag sa Wika (alternate names) Tagakaolo, Tagakaulo
Pangkat na Gumagamit ng Wika  Tagakawló
Sigla ng Wika Di-ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
Klasipikasyon Greater Central Philippine, Central Philippine, Mansakan, Western
Mga Kilalang Wikain (dialects)
Populasyon 89,498 (NSO 2010 R-XI)
Lokasyon Malungon, at Alabel sa Sarangani; Lungsod Digos, Davao del Sur; Malita, at Santa Maria sa Davao Occidental; Columbio, Sultan Kudarat; Tampakan, South Cotabato
Sistema ng Pagsulat
Iba pang Talâ

Responses